I:02 Country Tree

351 15 5
                                        

Synthesis




I:02



Country Tree
Hold your head up high
Listen to your voice
Rising through the noise
It's been too long since we've locked ourselves in here
Step out of that fear and play again


Jade's PoV


Binigyan ko ng halik sa pisngi si David after niyang mag-park para makababa ako ng kotse niya.


"See you tonight hon." Nakangiti nitong sabi matapos kong isara ang pinto pagkababa ko.


"Yes hon, can't wait for our date tonight." Nakangiti rin ako habang sinasabi iyon. Nagpaalam na ito pagkatapos kaya nagsimula na akong maglakad patungo sa first class ko this morning. I'm a college teacher at nagtuturo ako ng minor class dito sa university na una kong in-applyan after kong maka-graduate ng college almost six years ago.


At sa mahigit anim na taon kong experience sa pagtuturo, may mga nakasalamuha na akong mga estudyanteng sobrang pasaway at matitigas ang mga ulo. Hindi ko nga minsan maintindihan bakit kung kailan sila tumanda, saka sila naging gano'n. Buti sana kung nasa elementary pa sila, maiintindihan ko pa ang pagiging isip-bata nila. Pero hindi eh. Mga college students na kaya sila.


Speaking of. I rolled my eyes internally nang mamataan ko sa parking lot ng university ang grupo ng mga estudyanteng nagkakatuwaan habang nagbabatuhan ng mga chips na kanilang kinakain. Bahagya rin akong napailing ng ulo dahil ang aga-aga pa nga, 'yon na ang kanilang kinakain.


"Good morning Ms. Beautiful!"


Inirapan ko ang isa sa kanila na nagsabi no'n nang mapadaan ako sa harap nilang lima saka nagpatuloy sa paglalakad.


"Tsong, ano ka ba? Good morning Ms. Tanchingco." Pahabol na bati naman ulit sa akin ng isa pang boses.


This time, lumingon na ako. "Kayong lima, bakit nandito pa kayo sa labas? Ilang minuto na lang start na ng inyong klase yet nakatambay pa rin kayo rito."


Ngunit napaatras ako nang bumaba mula sa hood ng kotseng kinauupuan nito ang unang bumati sa akin at dahan-dahang humakbang palapit sa kinatatayuan ko.


"Relax Ms. Beautiful. Ang aga-aga ang hot mo na kaagad." Naka-smirk nitong sabi sabay pamulsa. "Although, hot ka naman talaga para sa'kin eh." Dagdag pa niya saka tinitigan ako mula ulo hanggang paa at parang manyak na dinilaan ang mga labi nito.


Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis dahil sa sobrang pagka-presko ng taong 'to. Ang aga-aga niyang mambwisit. Nakataas ang isang kilay na sinalubong ko ang kaniyang mga titig at kahit may bitbit pa akong mga libro sa magkabilang kamay ay pinameywangan ko siya. "Pwede bang tigilan mo na ang kakatawag mo sa akin niyan?" Gigil na sabi ko na naka-teacher's mode na.


Pero imbes na kabahan ang aking kaharap, lalo lamang itong ngumisi. "Bakit? Gusto mo ba Mrs. Guevarra na lang ang itawag ko sa'yo? Mas maganda nga 'yon, 'di ba mga 'tol?" Turan nito sabay lingon sa mga kaibigan niya. Pero hindi kumibo ang mga ito at nanatiling nakayuko lamang. Marahil kinakabahan na sila at ayaw bumagsak sa subject nilang ako ang may hawak.


"Tsong, tama na 'yan. Pasok na lang tayo sa loob." Saway sa kaniya ng isa niyang kaibigan makaraan ang ilang saglit. Buti pa itong si Sebastiana dahil may galang at takot pang nararamdaman sa kaniyang katawan. Hetong kaibigan niya? Diyos ko! Nauubusan ako ng pasensya sa tuwing kaharap ko ito. Sa sobra kasing pagka-presko ng ugali at pagiging pilya, nakakalimutan na nito minsan na mas matanda ako kaysa kaniya. Teacher niya ako pero parang magka-edad lang kami kung tratuhin niya ako.


"Buti pa nga." Sang-ayon din ng isa pa niyang kaibigan at inakbayan na ang kausap ko. "Tara na Cha."


"Sige," pagpayag nito. Ngunit bago sila tuluyang naglakad palayo ay nilingon pa muna ako nito. "See you later, my misis." Pabulong nitong sabi at saka kinindatan ako. Tuluyan na rin itong nagpahila palayo kasama ang mga kaibigan niya.


Samantala, nanatili naman akong nakatayo at walang-kibo ng ilang saglit dito habang pinagmamasdan ang papalayong magkakaibigan. Naalimpungatan lang ako nang biglang tumunog ang bell ng school hudyat na simula na ng first lecture para sa araw na 'to.


Nagmamadali kong tinungo ang building kung saan ako unang magle-lecture for this day. Napailing na naman ako ng ulo. Na-late kasi ako nang dahil sa babaeng 'yon.


Nang dahil kay Althea.


Na sa unang araw pa lang ng aming pagtatagpo ay buong tapang nang nagpahayag na may gusto raw siya sa akin. Hindi na rin siya tumigil sa panliligaw at pamimilit na sagutin ko siya kahit alam niyang may boyfriend na ako.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon