V:05 Memo

147 10 2
                                    

Synthesis




V:05



Memo
Love like no one else
Live for tomorrow
Run as far as you can
Until you feel the rain


Jade's PoV


Sarap na sarap kong iniyakap ang aking kanang braso sa unan kong katabi dito sa kama. Ang lambot-lambot kasi nito at pakiramdam ko parang may, parang may wait—, bakit may boobs?


     Napabalikwas ako ng bangon sa aking hinihigaan at doon ko lang na-realize na wala ako ngayon sa sarili kong kwarto. Luminga ako saglit upang tingnan kung nasaan ba ako exactly bago muling ibinalik ang aking mga mata sa taong narinig kong umuungol sa aking tabi.


     Oh no!


     Mabilis kong pinulot ang unan na aking hinihigaan upang gamitin iyong panghampas sa kaniya na naglakas-loob gawan ako ng hindi karapat-dapat. Tinodo ko ang paghampas dito kaya naalimpungatan ito at napabangon din mula sa pagkakahiga.


     "Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa'kin? Ni-rape mo'ko!"


     "Ha?!"


     Iyon pa lamang ang tangi niyang nasasambit nang muli ko siyang pinaulanan ng mga hampas gamit ang buo kong lakas. Ang lakas kasi ng loob niyang gawan ng kahalayan ang virgin kong katawan at tapos ay magmamaang-maangan.


     Naramdaman kong bigla nitong hinawakan ang magkabilang-balikat ko kaya na-alarma kaagad ako. Paano kasi kung ulitin na naman niya ang kaniyang ginawa sa akin kagabi?


     "Bitawan mo ako!" Sigaw ko habang pilit na kumakawala sa mahigpit nitong pagkakahawak. Kailangan kong makatakas mula sa mga kamay ng rapist na 'to.


     "Hindi ako rapist—"


     "Sinungaling! Ni-rape mo ako!"


     "Sinabing hindi nga eh! Jade, ano ba? Tumigil ka nga!"


     Doon na ako natigilan sa pagwawala nang sambitin nito ang pangalan ko. Ba't niya kasi alam 'yon? Magkakilala ba kami? Pero thinking about it, parang pamilyar nga ang kaniyang boses kaya mula sa pagkakapikit ay nagdilat ako upang alamin kung sino ito.


     "Althea?"


     "O, okay ka na?" Tanong niya habang dahan-dahan akong binibitawan. At kahit hindi na ako nagwawala ay napansin ko ang paglalagay nito ng distansya sa pagitan namin na parang takot siyang tamaan kahit tumigil na ako sa panghahampas sa kaniya.


     "Wait, ikaw ba talaga 'yan?" Hinawakan ko siya sa magkabilang-pisngi para mapatunayang totoo ngang siya ang nakikita ko. "Anong nangyari at anong ginagawa mo dito?"


     "Nalasing ka kagabi, nakalimutan mo na ba?"


     Mabilis niyang sagot ngunit lalo lamang akong nagtaka, hindi kasi ako makapaniwala.


     "Ako, nalasing?"


     "Oo, at saka FYI kwarto ko 'to."


     Ay oo, napansin ko nga pala iyon pagkagising ko.


     "—dito muna kita dinala dahil masyado nang gabi at ayokong pagalitan ka ng mga magulang mo lalo pa't nakatulog ka na sa sobrang kalasingan."


SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon