V:08 Memo

227 16 17
                                    

Synthesis




V:08



Memo
You will rise again


Althea's PoV


Pagkatapos ng ceremony ay kaagad ko nang tinungo ang kinaroroonan nina mama at tita Fely na nakaupo sa lugar na itinalaga para sa mga parents ng mga graduates.


     Sinuong ko itong coliseum ng school namin na punung-puno ng mga nanay at tatay na nagkumpulan sa gitna kasama ang kani-kanilang mga anak na nagtapos ngayong araw makahanap lang ng madadaanan.


     "Ate Cha!"


     Pero kahit gano'n na kaingay dahil sa dami ng tao ay nangibabaw pa rin ang boses ni Cookie na pasigaw akong tinawag pagkakitang papalapit na ako sa kanila. Katabi niya ang mahinhin kong pinsan, si Cassie.


     "Anak!"


     Isa pa 'to eh. Kung makatawag din sa akin akala bingi ako. Hello, magkaharap lang kaya tayo ma.


     "Ma, ano ba 'yan?" Reklamo ko nang paulanan ako nito ng mga halik sa pisngi.


     Nahihiya kong inilibot ang aking mga mata para sana alamin kung may nanonood ba sa amin ngunit iba ang nahagip ng mga ito.


     Ang love-love ko, si Jade. Nakatayo siya sa gilid ng stage kasama ang iba pang mga teachers na nag-organize ng graduation ceremony.


     Ang laki ng kaniyang ngiti habang nakatingin sa akin ngunit agad siyang tumingin sa ibang direksiyon nang kindatan ko. Lihim ko 'yong ikinangiti dahil napansin kong namula ang mga pisngi niya. Kitang-kita ko 'yon kahit na ilang metro pa ang layo namin mula sa isa't isa.


     "Tara na?" Tanong ni tita Fely kaya ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa kanila.


     Tumango si mama bilang pagsang-ayon kahit na busy ito sa kaka-dutdut sa kaniyang cellphone.


     Sino ba kasi ang ka-chat niya? Kunot-noo kong tanong sa sarili. Para kasing ang busy nito. Hindi ba pwedeng mamaya na lang 'yan? Araw ko 'to ngayon kaya sana sa akin muna niya ibigay ang kaniyang atensyon.







'Papunta na ako love-love.'
Sent to: Mrs. Jade Guevarra


     Pagkatapos kong i-send iyon kay Jade ay lumabas ako sa kwarto at bumaba ng bahay. Hinanap ko rin ang maganda kong nanay na alam kong nasa tabi-tabi lang at kumakalikot ng kung anu-anong mapag-tripan niyang kalikutin para magpaalam na aalis muna ako saglit.


     "Ma?" Nang hindi ko siya mahagilap sa sala ay tinawag ko na lang ang kaniyang pangalan para naman marinig niya ako't hindi na ako mahirapang hanapin siya. Wala naman kasi akong mapagtanungan dahil wala kaming kasambahay. Ayaw ni mama na may ibang tao kaming kasama except kapag sila ni tita Fely at mga pinsan ko ang nandito. Ba't pa raw kasi siya magbabayad kung kaya naman daw niyang gawin ang mga ginagawa nila? May pagka-kuripot din kasi si Alliana eh.


     ". . . nag-usap na kami."


     Naglalakad na ako palapit sa hardin nang marinig ko siyang nagsasalita sa labas. May bisita yata siya kaya naisip kong sumilip muna bago tuluyang lapitan ito.


     ". . . ginagawa ko naman eh, sinusubukan ko pa rin siyang kumbinsihin."


     Pero mali ako dahil mag-isa lang siyang nandoon at sa cellphone lang pala may kausap. Nakatalikod din siya kaya hindi niya ako napansin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 21, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon