I just stayed in our house on the whole day. Sa kwarto ko na lamang inubos ang araw ng Linggo.
Lunes na naman ngayon, balik sa dati ngunit nadagdagan ang aming pasok dahil may NCAE kami tuwing Sabado, kung kaya't Linggo na lamang ang pahinga namin.
Magkasabay ulit kami ni Gab na pumasok sa school. Una, nagaalinlangan pa akong pumasok dahil baka pag-chismisan lamang ako ngunit habang naglalakad ako sa hallway ay wala naman akong narinig na kung ano.
Pagkapasok ko pa lamang sa room namin ay agad kong nakita ang dalawang kaibigan. Si Elaine at Mika ay nandoon na sa kanilang upuan at ako na lamang ang wala. Himalang maagang pumasok si Elaine kaya niloko ko agad ito ng maupo ako sa aking upuan.
"Aga mo ah" pang-aasar ko sa kaniya.
"Changed life" sagot niya. "Kamusta ka naman madame?" dagdag pa niya.
"Okay na ako" sagot ko.
"Mabuti kung ganon" si Mika na siguro nadinig ang pag-uusap namin. "I'm just happy Haley na unti-unti na ring nabalik ikaw sa dati" si Mika.
I just smiled at her. Ang sugat na nasa palapulsahan ko ay unti-unti na rin namang nagaling dahil lagi akong tinatawagan ni Caiden kung nagagamot ko ba raw ito.
"Good morning class" si Sir.
Agad naman kaming napaharap sa unahan ng bumati si Sir. Nagumpisa na ang first period. At sinabi na rin ni Sir na maghanda raw kami sa review sa Saturday dahil nalalapit na rin daw ang NCAE. Napabuntonghininga na lamang ang aking mga kaklase ng sabihin 'yun ni Sir. Rinig na rinig ko pa ang daing ni Elaine ng sabihin 'yun ni Sir.
Pagkatapos ng klase ni Sir ay maya-maya ay dumating na rin ang sumunod na teacher namin kaya konting chismis lamang ang narinig ko sa pinag-uusapan ni Mika at Elaine. Wala naman akong narinig sa mga kaklase ko at nagtanong kung anong nangyari sa akin. Siguro maganda na rin na hindi sila magtanong dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot sa kanila.
Tanghaling tapat na naman ng nagyaya sina Mika at Elaine na maglunch kami sa bagong bukas na kainan dito. Kaya walang pasubali na lamang akong sumama sa kanila. Lumabas na kami ng gate at kitang-kita ko ang mga estudyante na kan'ya-kaniyang punta sa malapit na kainan para kumain. Kami naman ng dalawa kong gaga na kasama ay naglalakad na naman ng makapunta sa bagong kainan na sinasabi nila.
Habang naglalakad kami ay may nakikita din kaming mga higher level na siyang naghahanap din ng makakainan. May mga nakasabay naman kaming mga taga ibang department na siguro ay naghahanap din ng makakainan.
Nang makarating na kami sa kaninan ay agad namang nagreklamo si Mika kay Elaine dahil ang layo-layo daw noon, kaya ang pag bumalik daw kami sa school ay mag tricycle na kami, dahil nakakahaggard daw ang maglakad.
"Arte mo Miks" sagot ko sa kan'ya.
"Totoo naman ah, ang init-init kaya maglakad" katwiran niya pa sa akin.
Totoo namang mainit maglakad papunta dito ngunit hindi na ulit ako nagsalita at pumasok na kami sa aming kakainan.
"Next time doon na lamang tayo sa may tapat ng school, naka-aircon naman do'n kaya siguro fresh tayo pagdating ng school" si Elaine.
I just rolled my eyes to her.
"Problema mo?" tanong sa akin.
"Wala-wala, edi sana doon na lamang tayo kumain kung gano'n" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Barkada Series #1)
RomantikBarkada Series #1 Haley Cortez is from a broken family, but when she found Caiden Almanzor, she found love and happiness that can't be given by her Mother and her Father. Ngunit Hanggang Kailangan nga ba ang saya na 'yun? Hanggang Kailan ang pag-ii...