Kabanata 16

91 8 173
                                    

Gabi na rin ng naka-uwi kami ng bahay. Wala namang naging problema sa aming pag-uwi dahil alam naman nina Lola na kasama ko si Caiden.


Hindi pa rin ako makapaniwala na gano'n ang nagyari kay Caiden. But apart me of me is happy because he shared now his dark past to me. And now, we already know and shared are dark past in our lives. And we will shine no matter what happened.


Naging maayos naman ang pasok ko sa school. Sabado na bukas, and I'm just too nervous dahil ito na ang huling review namin. Nagkita pa kami ni Caiden ng Biyernes ng hapon at sinabing kaya ko namang ipasa ang NCAE at maabot ang average.


"I know you can do it" si Caiden habang nagmamaneho.


"'Wag kang kabahan, last review niyo na lamang 'yun" dagdag pa niya habang nakatingin pa rin sa daan.


Ngunit hindi ko pa rin mapigilan na kabahan kahit na review na lamang 'yun.


"Haley, bangon na!" sigaw ni Lola sa pinto.


"Opo!" sigaw ko.


It's Saturday today, last na review na namin para sa NCAE.


Nag-ayos na lamang ako at bumaba para kumain. I just wear a jeans and a black oversized shirt paired with a white shoes. At bitbit ang maliit kong bag bago bumaba para mag-umagahan.


I just eat my breakfast at pagkatapos no'n ay sumakay na ako sa tricycle. Hindi ako nagpahatid kay Gab dahil tulog pa, ayaw ko naman siyang gisingin sa pagtulog niya dahil baka magalit pa sa 'kin na maaga ko siyang ginising.


Pagkarating ko sa school ay naglakad na agad ako sa hallway. Marami na agad na estudyante ang nakita ko mula roon.


Pagkapasok ko sa room ay marami na ngang tao. I just seat on my chair. Wala pa si Elaine kaya wala akong makausap.


Maya-maya ay dumating na ito, hindi naman siya late. Ngunit hindi na kami nakapag-kwentuhan dahil pagkapasok niya ay siya ring dating ni Ma'am Anne.


"Okay class, this is the last review in our NCAE. I hope you all pass lalo na sa mga gusto mag STEM students. And sa Wednesday na rin ang exam niyo" announce ni Ma'am Anne.


"Hoy! Nakakaba" bulong sa akin ni Elaine.


"Oo nga e" sagot ko.


Pagkatapos magsalita ni Ma'am ay binigay na ulit sa amin ang booklet. At ang isang folder.


Gano'n pa rin naman ang oras, kaya hindi pa rin kami magkakasabay ni Mika na kumain at magrecess.


Walang paramdam sa akin si Caiden kanina pa. Hindi ko alam kung anong meron at kung bakit hindi siya nagte-text. Hindi ko alam kung sino ang kasama niya, at kung nasaan siya. Ngunit hindi ko na lamang 'yun inisip pa at nag-focus na lamang ako sa review dahil baka makaapekto pa ito sa akin ng husto.


Nag-umpisa na ulit ang review ng matapos kami maglunch. Wala na rin naman kaming recess sa hapon kaya maaga kaming natapos.


Alas tres ng hapon ay tapos na kami. At saktong paglabas namin ni Elaine sa room ay siya namang daan ni Mika sa room namin para siguro tignan kung tapos na kami.


"Tara gumala!" salubong sa amin ni Mika.


"Saan naman?" tanong namin ni Elaine.


"Sa baywalk" sagot niya.


Tumango na lamang kami kay Mika at nag-umpisa ng maglakad paalis ng school. Habang naglalakad kami papuntang baywalk ay abot ang chismisan ng dalawa, samantalang ako ay iniisip ko kung bakit walang paramdam si Caiden. Kanina ko pang iniisip kung nasaan siya. At tila mababaliw na ako kung nasaan siya at kung sino ang mga kasama niya.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon