Kabanata 33

80 4 6
                                    

Mula sa entrance ng cafe kita agad namin kung sino ang nandoon. At saktong baling niya sa may pinto ng entrance ay siyang pasok namin sa loob.



Ashley was there. She was wearing a beige channel cardigan with a black tube top inside paired with a baggy jeans. Ashley was so shocked to see me. She was so shocked that I was with Caiden.


Tinignan ko si Caiden ngunit wala namang bahid sa itsura niya ang pagkakagulat. Hinawakan niya pa ang bewang ko at iginiya ako sa dalawang upuan na hindi kita si Ashley. Sino kaya ang kikitain ni Ashley dito?


Hinila ni Caiden ang upuan sa pangdalawahang upuan. Umupo na lamang ako roon. At pagkatapos noon ay umupo na rin naman siya sa upuan niya. Tumingin na lamang ako sa menu at pumili ng o-orderin ko. May banana cake roon kaya iyun ang inorder ko. May cookie rin silang tinda kaya um-order din ako. Dumating na rin naman ang waiter para kuhanin ang order namin.


I just ordered banana cake, cookies and iced caramel macchiato. Si Caiden ay hot americano at cookies lang. Wala ata siyang balak matulog ngayon ah!


Walang naimik sa aming dalawa. Kung kaya't medyo naiilang ako. Hindi pa rin naman ako nakakamove-on sa nangyari sa amin. Tapos nandito kami ngayon na magkaharap sa isa't-isa?


Sa halip na iyun ang isipin ko nilibang ko na lamang ang aking sarili sa mga magagandang dream catcher na naka display sa store. It's so beautiful though, I wish I have this beautiful dream catcher in my room.


"Do you want one?" tanong ni Caiden.


Kung kaya't napabaling ako sa kanya. Agad akong napatango kase gusto ko naman talaga.


"Then, I will buy you one" untag niya. At tila seryoso talaga siya sa sinasabi niya.


"No, it's okay C-caiden" untag ko.
Na medyo nautal pa ako sa pagtawag ng pangalan niya.


Ano ba 'yan Haley! 'Wag kang tanga ngayon!


"No, I will buy it. Just pick one" untag niya pa.


Hindi na lamang ako umimik pagkatapos noon dahil ayaw kong makipagtalo sa kanya. Dumating na rin naman ang order naming dalawa kaya kumain na lamang ako.


Ngunit habang kumakain ako ay iba ang nasa isip ko. Sumagi sa isipan ko kung bakit ba siya nagsisibak ng kahoy sa harap namin. Medyo nairita nga lamang ako sa itsura ng apo ni Aling Epay.


Ang landi!


"Bakit ka nga pala nagsisibak ng kahoy kaninang umaga?" biglang tanong ko kay Caiden kaya nabaling siya sa'kin.


"Wala, sayang kase yung mga kahoy na nandoon sa tabi niyo" untag niya.


Ngunit hindi ko masikmura ang sinasabi niya. At ano naman ang gagawin namin sa sinabak niyang kahoy!? E naka gas stove naman kami!


Natapos na rin naman kami kumain at handa nang umalis. Hanggang sa iginiya ako ni Caiden sa bilihan ng dream catcher. Its a blue feather dream catcher. At sa bilog noon ay may fairy lights na pwedeng pailawin. Kung kaya't iyun ang tinuro ko kay Caiden na bilhin.


And after that akala ko uuwi na kami ngunit may pupuntahan pa pala kami. Liblib na lugar ngunit pamilyar. Pamilyar na mga dahon at mga puno.


We ended up in their rest house here in Tagaytay. Wala naman 'yung pinagbago. Ngunit napansin ko na parang nirepaint lamang nila ang mga pintura.


Ang mga damong sumalubong sa akin noon ay tila nawala na. Tila nagbago at luminis tignan mula sa labas. Napansin ko rin na nagtayo sila ng isang fountain. At sa pagpunta ko roon ay kita ko ang paglagasgas at pagtayo ng mga tubig mula roon.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon