Lagi na akong sinusundo at hinahatid ni Caiden sa pagre-review. Minsan kapag hindi na ako nakakapag-breakfast ay dinadalhan niya ako ng pagkain. Kapag wala naman siya ay inuutos niya na lamang ang pagpapadala ng pagkain ko.
Naging maayos naman ang tunguhan namin ni Theo. At may mga nakilala rin akong bagong mga kaibigan.
Ilang buwan din ang pagre-review namin dito sa review center. At sa loob ng ilang buwan ay marami akong natutunan. Marami akong mga natuklasang mga bagay.
"Hoyy kinakabahan talaga ako kapag nagtake na tayo" untag ni Ahira nang nasa may canteen kami ng review center.
"Samee" untag naman ni Bea. "Pero kakayanin" dagdag pa nito.
"Kinakabahan din ako" untag ko.
Dahil sa isang linggo na ang take namin at last day na ng review namin ngayon kaya medyo kinakabahan na ako.
"Kaya natin 'to" untag ni Ahira.
"Kayaa nga! Tayo pa ba?" untag ni Bea.
Kinakabahan talaga ako sa magiging resulta ng exam. Ayaw ko kaseng ma-dissapoint ang mga magulang ko sa'kin. At hindi ko rin ata kakayanin kung hindi ako makakapasa sa board exam. Kung kaya't naging palaisipan sa'kin ang pagte-take dahil iniisip ko lagi na hindi ako makakapasa kahit kaya ko naman.
Mahina ang tiwala ko sa sarili. Wala akong bilib sa aking sarili kung kaya't puro negative lang ang mga nasa isip ko.
Natatakot ako. Natatakot ako dahil baka magkamali ako. Ngunit hindi ko naman malalaman ang isang bagay kung hindi ko susubukan.
Parte sa buhay ng tao ang pagkakamali dahil hindi tayo magro-grow. Parte sa buhay ng tao ang magkamali kung kaya't kapag nagkamali ka nang tinahak hindi 'yun ang nakatadhana para sa'yo.
"Haley!" sigaw ni Theo ng uwian na kami. Inaayos niya ang mga gamit niya samantalang ako ay lalabas na sa may pinto ng room.
"Bakit?" untag ko.
"Susunduin ka ba?" tanong niya sa'kin.
Hindi pa nagte-text si Caiden ngayon sa'kin kung susunduin niya ba ako o hindi. Baka busy siya sa trabaho kaya hindi nakakapagtext.
"Sigee sabay ako" untag ko.
Baka busy lang si Caiden kaya hindi siya nagte-text.
Nagtext na lamang ako sa kanya na kay Theo na ako sasabay dahil baka makapunta pa siya sa review center.
Ako:
Sumabay na ako kay Theo pauwi.
Pagkatapos kong magtext ay siya namang dating ni Theo. Kung kaya't umalis na rin kami agad.
Sumakay na lamang ako sa sasakyan niya at pagkatapos noon ay tumulak na kami paalis.
Tahimik kami sa byahe. Walang naimik sa amin kung kaya't medyo awkward.
"Bakit 'di ka sinundo?" tanong niya sa'kin habang ang tingin niya ay nasa daan pa rin.
"Busy ata" untag ko sabay tingin sa bintana.
"Ahhh" untag niya at pagkatapos noon ay tumahimik na ulit.
Nakarating din naman kami sa condo. Kung kaya't nagpaalam at nagpasalamat na lang ako kay Theo.
"Thank you! Alis na ako" untag ko.
He just nodded kung kayat sinara ko na lamang ang pinto ng sasakyan. Umalis na rin naman siya pagkasara noon.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Barkada Series #1)
RomansaBarkada Series #1 Haley Cortez is from a broken family, but when she found Caiden Almanzor, she found love and happiness that can't be given by her Mother and her Father. Ngunit Hanggang Kailangan nga ba ang saya na 'yun? Hanggang Kailan ang pag-ii...