Kabanata 32

73 5 7
                                    

Bumalik na rin naman sina Mika at Elaine nang makaalis si Caiden. Umuwi na rin naman kami pagkatapos noon. Nag-tricycle na lamang kami pauwi and just like before ako na naman ang unang baba sa may kanto namin at sila naman ang huli.


Magta-tricycle na sana ako pataas sa amin ngunit napili kong maglakad na lamang. Kita ko ang ang papalubog na araw mula roon. It was so beautiful.


Naglakad na lamang ako papunta sa amin. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa'kin. Natatakot ako sa gagawin ni Caiden. Natatakot ako sa posibleng mangyari.


Ang tanga tanga mo kase Haley! Ang lakas lakas magsabi nang nararamdaman ngunit takot naman sa pwedeng mangyari!


Hindi ko alam kung maayos pa ba ang pamilya namin. Hindi ko alam kung magkakaayos pa ba ang mga Cortez at Almanzor?


Pinagbigyan ko ang sarili ko ngunit ito ang naging kapalit. Hindi ko alam kung ano ang magagawa ni Lolo pag nakita niya si Caiden. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari kung magtuloy siya rito sa amin.


Bakit gano'n? Bakit pinipilit niya pa rin kahit hindi na pwede? Bakit? Dahil naniniwala siya na may pag-asa pa? Ngunit ako ay hindi na naniniwala dahil hindi na siguro maayos pa ang lahat ng ito.


Akala ko sila ni Ash? Akala ko sila na at masaya na sila ngayon. Ngunit hindi pala o nagkakamali ba ako? Nabulag ba ako? Nabulag ba ako dahil baka wala na sila ni Ash ngayon at gagawin lamang akong panakip ni Caiden dahil mahal niya si Ash?


Naging kuwestiyon sa utak ko 'yun dahil sa mga kakaibang kinikilos niya. Hindi siya nagpakita sa'kin matapos ang nangyari nung Valentines at noong umulan sa waiting shed. Bakit kaya? I wonder why? Tapos nandito na naman siya at ginugulo ang buhay ko dahil wala na naman ba sila ni Ash?


Nakarating naman ako nang maayos sa amin. At nakita ko si Mama at Tita Beverly na dinidiligan ang mga halaman. Samantalang si Lolo naman ay nandoon pinanonood sila habang may iniinom na kape.


Binuksan ko na lamang ang gate at nagpunta ako kay Lolo para magmano. Tinawag ko lamang sina Mama at Tita Beverly na aakyat muna ako sa taas. Nagpaalam na rin naman ako kay Lolo kaya umakyat na ako.


Tulog na naman siguro si Gab kaya wala rito sa loob kaya nagpatuloy na lamang ako sa pag-akyat.


Nagpalit na lamang ako ng pangbahay kong damit at humiga muna sa higaan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako ng ilang oras. Nagising lamang ako sa katok ni Mama na bumaba na raw ako at kakain na.


Kung kaya't bumaba na lamang ako para kumain. Tahimik naman sa hapag kung kaya't kumain na lamang ako.


Ako na mismo ang nagpresinta na maghugas ng plato. Kung kaya't pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng plato.


"Wow marunong ka na pala" pang-aasar sa'kin ni Gab nang dalhin ang mga kinainan nila.


"Matagal na" untag ko. He just laughed at pagkatapos noon ay umalis na siya.


After I finished washing the dishes naglakad na ako papunta sa salas. Nagpaalam naman ako kina Mama at Tita Beverly na aakyat na ako. Si Lolo at Gab ay nag-uusap kaya hindi ko na sila ginulo pa. Nang pa-akyat ako sa salas ay may narinig akong kotse na nagpark mula roon sa labas. Agad akong kinabahan. Agad bumilis ang tibok ng puso ko dahil baka tinotoo ni Caiden na pupunta siya!


Pinagdasal ko na sa lahat ng santo na sana 'wag si Caiden 'yun. Ngunit hindi, mahina pala ako kay Lord dahil nakita ko si Caiden sa may tapat nang pinto namin na may dala-dalang bouquet.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon