Kabanata 25

73 3 260
                                    

Hindi na rin naman nagpakita pa si Caiden matapos ang pangyayari na 'yun. Siguro'y tumigil na siya dahil sa nakita. Tama lang ang ginawa kong pagtaboy sa kanya ulit. Tama lang ang lahat na 'yun. Ngunit nagpapasalamat pa rin ako hay Theo dahil siya ang naging dahilan kung bakit tuluyan na akong nilisan at nilayuan ni Caiden.


Naging sekreto narin naming dalawa ang nangyari na 'yun. I told him to be quiet. Ngunit sumang-ayon din naman siya kaya laking pasalamat ko pa rin sa kanya. Ayaw kong sabihin pa sa mga bago kong kaibigan ang mga nangyari sa Batangas dahil natatakot ako. Natatakot akong kumilala at magtiwala sa isang tao.


"Thanks a lot, Theo" sagot ko sa kanya nang umalis na ng tuluyan si Caiden.


"Welcome. Nagka-boyfriend ka pala!?" tanong niya matapos ang nagyari.


"Oo" sagot ko sa kanya. "Sana sa atin nalang dalawa 'to ahh. At sana hindi na makalabas pa" untag ko.


"Sure, you came to the right person" he chuckled.


"Sure ka ahh" sagot ko pa.


"Yeahh, boys don't spread news or secrets unless he's a gay" si Theo sabay tawa na naman.


I just laughed at it too.


At pagkatapos noon ay pinauwi na niya ako dahil maggagabi na rin. Sasama sana ulit ako sa kanya papunta sa convenient store ngunit pinauwi na niya ako dahil may kikitaan pa raw siya roon. Kung kaya't hindi na rin ako nagpilit pa na sumama.


Nagpalit na lamang ako ng pang-tulog ko. At pagkatapos noon ay nagtooth-brush at nagskin care lamang ako. Pagkatapos noon ay humiga na lamang ako dahil may pasok pa rin naman ako bukas.


My alarm beep. Simula ng nagpunta ako sa Manila ay nag-aalarm na ako. Hindi na rin ako nagpapagising pa kay Lolo dahil ang sabi ko sa kanya ay ako na lamang ang gigising sa madaling araw para maghanda ng umagahan ko. Ngunit ayaw niya akong paglutuin ng umagahan dahil wala na nga raw siyang ginagawa rito ay aagawan ko pa raw siya nang gawain tuwing umaga. Kung kaya't pumayag na rin naman ako.


Kaya pagkatapos kong manligo at mag-ayos ay bumaba na ako. Pagkababa ko pa lang ay naamoy ko na ang niluto ni Lolo.


"Kain na, Apo" si Lolo.


"Kain na, Haley sabay na tayong pumasok" si Tita Beverly "At nga pala po, Pa pinakukuha ko na kay Kuya Fredie 'yung sasakyan ni Gab sa Batangas para naman magamit natin dito. Mag-aaral ako magdrive para hindi tayo mahihirapan" si Tita Beverly sabay lingon kay Lolo na nagkakape ngayon.


"Mabuti ngang kuhanin mo na 'yun. Mai-istock lamang ang makina noon doon" si Lolo.


Kung kaya't pagkatapos naming kumain na tatlo ay nagpaalam na kaming dalawa ni Tita Beverly na aalis na.


Sabay na kaming bumaba ni Tita Beverly. Sabay na kaming sumakay ng jeep. At ako ang unang bumaba dahil isang sakay lamang sa jeep ang school namin.


Kung kaya't pagkababa ko ay naglakad na ako papunta sa school. At nang papasok na ako sa gate ay nakasabay kong pumasok si Aly.


She just smiled at me and I smiled at her too. Wala naman kaming masyadong pinag-usapan habang naglalakad kaya nang makarating na kami sa room namin ay umupo na ako sa aking upuan.


"Good morning class" bati ng first subject teacher namin sa Oral Communication.


I just listed to the whole time. At medyo nararamdaman ko na rin ang stress sa ngayon.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon