Habang naglalakad kami ay abot ang tingin ng mga tao sa amin, hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalakad.
Inihatid ako ni Caiden hanggang sa amin kaya laking gulat ni Lola ng makita siya.
"Ohh! Hijo, napadaan ka"
"Opo, Lola inihatid ko po kase si Haley" sagot nito, sabay kamot sa ulo niya. "Gabi na po kase kaya inihatid ko na" dagdag pa niya.
"Oo, nga e hindi naman nag-text sa akin na gabi na uuwi" sagot ni Lola. "Kampante kase ako na magkasama sila ni Gab"
"Ahh, may laro pa po kase sina Gab e nakita ko po si Haley kaya 'yun hinatid ko na po" sagot ni Caiden.
Nakinig lamang ako sa usapan nila ni Lola, hanggang sa niyaya ni Lola si Caiden na pumasok muna sa loob para maghapunan. Ibinaba niya ang bag na bitbit sa upuan aalis na sana siya pero niyaya siya ni Lola na dito na kumain.
"Dito kana kumain hijo" si Lola.
"Hindi, na po Lola sa bahay na po ako kakain" sagot niya kay Lola.
"Ohh, siya sige hijo magi-ingat ka sa pag-uwi mo ha" bilin ni Lola kay Caiden. "Haley ihatid muna si Caiden sa may gate" dagdag pa nito.
Tumango na lamang ako kay Lola bago kami lumabas ng bahay.
Nauna si Caiden sa paglalakad papuntang gate kaya tanaw ko na naman ang likod niya lalakad na sana ako pero humarap siya sa'ken.
Kahit madilim na sa labas tanaw ko na naman ang maitim niyang mata at tanaw na tanaw ko din ang napakaganda niyang mukha.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nasa tapat ko na siya.
"Thank you nga pala"
"Your welcome" sagot niya, bago umalis.
Papasok na sana ako sa loob ng pumasok si Gab sa gate.
"Hindi mo 'ko inantay" sagot niya.
"Tampo 'yan?" sagot ko.
"Oo, tampo ako sa 'yo" sagot niya sabay yuko.
"Teka!" sabay harap niya sa'kin. "Anong ginawa nga pala ni Caiden dito?" pang-bawi niya.
"Hinatid niya ako" sagot ko.
"Ikaw ha, nakaka-halata na ako sa'yo" pang—aasar niya sa'ken.
"Ha? Ano naman?" tanong ko.
"Wala, tara na nga pumasok sa loob malamok na dito oh" sagot niya.
Naghapunan na kami pagkadating ni Gab, at na-kwento ko kina Lolo at Lola na kasali ako sa contest.
"La, Lo, kasali nga pala po ulit ako sa contest sa school." kwento ko habang nakain kami.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Barkada Series #1)
RomansaBarkada Series #1 Haley Cortez is from a broken family, but when she found Caiden Almanzor, she found love and happiness that can't be given by her Mother and her Father. Ngunit Hanggang Kailangan nga ba ang saya na 'yun? Hanggang Kailan ang pag-ii...