Kabanata 15

113 8 104
                                    

Pagkatapos naming magpaalam ni Caiden sa isa't-isa ay tumulak na kami pauwi. Pagkauwi namin ay agad na akong umakyat sa taas para magpahinga. Nagskin care lamang ako pagkatapos ay natulog na. Tutulog na sana ako ng nagtext si Caiden.


Caiden:

Nakauwi na ako. Ikaw?


Ako:

Oo. Kanina pa matutulog na sana ako.


Caiden:

Okay. Goodnight, then.


Hindi ko na lamang siya nireplyan at natulog na.


"Haley, bangon na!" sigaw ni Lola sa pinto.


"Opo!" sagot ko.


It's just the usual Monday. Bumaba na lamang ako para mag-almusal, pagkatapos noon ay sumakay na ako sa kotse ni Gab. Pinayagan na kase siya na dalhin ang kotse niya sa school, kung kaya't sumabay na lamang ako sa kanya.


Malapit na kaming magsummer at hindi ko alam kung anong balak ng pamilya namin kung saan pupunta. Malapit na rin ang NCAE namin kung kaya't medyo kinakabahan na ako. Next Saturday na kase ang last na review at pagkatapos noon ay aantayin na lamang namin kung kelan kami mage-exam.


Simula ng sinagot ko si Caiden ay hindi na naman nangulit pa si Clark. At tila nawalan na rin naman siya ng pag-asa tuwing sinusundo ako ni Caiden. Hindi naman na rin kami nag-iimikan sa room ni Clark.


Pinarada ni Gab ang kanyang sasakyan sa may tapat ng school. Pagkatapos noon ay ni-lock niya lang at sabay na kaming pumasok.


Habang naglalakad kami sa hallway ay panay din ang bati ng mga tao sa kanya. Para naman 'tong lalaban din ng student council.


Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa room ko. Nagkahiwalay na rin naman kami ni Gab kaya nagpatuloy na akong pumasok sa room.


"Haley!" sigaw ng dalawa kong kaibigan.


"Hoy! Na-miss kita" pang-alo sa akin ni Mika.


"Gaga! Hindi lang tayo nagkita ng Linggo! Miss na agad!?" sagot ko.


"Eto naman naglalambing lang e" si Mika na nagtatampo.


Humagalpak na lamang sa tawa si Elaine, ng makita kung ano naman ang pinag-aawayan namin.


"Ewan ko sa inyong dalawa" si Elaine na ngayon ay tawa ng tawa.


Umupo na lamang ako sa pagitan nilang dalawa. Maya-maya ay dumating na ang teacher namin.


I just listen the whole day. Sa canteen lamang kami kumain nina Mika at Elaine. Hindi ko alam kung bakit doon nila pinili pero hindi na lamang ako nagtanong.


Pagkatapos naming mag-lunch ay ang pinag-usapan na lamang namin ay ang plano nila sa darating na summer.


"Hoy! Tara naman mag-beach sa summer" yaya ni Elaine.


"Oo nga 'no" si Mika.


"Sulitin na natin dahil Grade 11 na tayo next school year, balita ko marami raw ginagawa pag Senior High School" si Elaine.


"Sus, hindi 'yan si Gab nga chill lang e" sagot ko.


"Sabagay tama ka rin" si Mika.


Pagkatapos ng usapan naming 'yun ay dumating na ang pang-hapon naming teacher. I just listen again.


Ang bilis ng oras at panahon parang kelan lamang ang lahat. I wish time would stop or to be slow at a moment, dahil para sa akin parang hindi pa ako handa. Hindi pa ako handa lumaban sa mundong ito.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon