Prologue

1.1K 56 47
                                    

Isang mainit na tanghali ang bumungad sa akin. Kakatapos lamang naming mag lunch ng aking mga kaibigan. Wala kaming klase ngayon dahil sportsfest namin ngayon, kaya pagala-gala nalang kami nina Mika at Elaine.


"Ang init naman! Tara muna sa CR, mag-aayos ako ng mukha. Ang haggard haggard ko na" aya ni Mika.


"Ikaw ba Haley, sasama ka?" tanong sa'ken ni Elaine.


"Oo" tugon ko.


"Tara na girls!" sigaw ni Mika.


Habang naglalakad kami sa hallway, rinig na rinig ko ang chismisan nilang dalawa tungkol sa crush nila. Sino pa bang pag-uusapan ng dalawang ito kung 'di si Caiden.


"Hoy! Chismis kayo ng chismis diyan, ayaw nalang dalian maglakad" sabi ko.


"Wala kaming pake, Haley" wika ni Mika.


"Huwag ka sanang i-crushback ng crush mo!" sigaw ko.


"Tanginamo Haley! Mamatay kana!" sigaw ni Mika.


"Hoyy! Mga gaga wag kayong mag-away, pinag-titinginan kaya kayo, mahiya naman kayo" sabi ni Elaine.


"Wala akong pake, Elaine!" sigaw ko.


Tuloy tuloy ang paglalakad naming tatlo hanggang sa makarating kami ng CR. I look at the mirror at ang haggard haggard ko na, ang layo kase ng nilakad namin kanina. I put some liptint on my lips and nagsuklay at nagpulbo ako. Hindi katulad ng dalawang gaga kong kasama, ang daming nilalagay sa mukha.


"Hoy Haley! mascara oh" alok sa'kin ni Mika.


"Naku 'di 'yan naglalagay ng ganiyan, tignan mo naman liptint lang nilagay, ayus na" sagot ni Elaine kay Mika.


"Ako lang 'to, hanga na naman kayo sa'kin" wika ko.


"Gaga! Mata mo lang nagdala" walang'yang sagot ni Mika.


"Tanginamo Mika! Inggit ka lang!"sigaw ko.


Madaming nagsasabi na maganda ang mata ko, hindi ko naman alam kung saan ko ito nakuha. My eyes are brown, but may Mother and Father have black eyes. My hair is brown at ito ang natural nitong kulay. My skin is fair like my Mother.


Broken family kami. 'Yung Mama ko nasa Cebu at 'yung Papa ko nasa Europe, may sarili na siyang family, 'yung Mama ko naman may boyfriend na. Iniwan ako ni Mama sa mga Lolo at Lola ko. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala 'yun.


"Ohh! Bakit gan'yan mukha mo Haley?" wika ni Mika.


"Wala, naalala ko sina Mama at Papa"


"Ayyy, basta nandito lang kami ahh" si Elaine.


"Oo nga Haley, magsabi ka lang" si Mika.


"Thank you sa inyo!"


"Tara na nga guys!" aya ni Elaine.


"Tara na nga, napapa-emote ako sa inyo e ang bagal nyo"


Sa totoo lang, nalulungkot din ako kase parang mag-isa nalang ako. Parang bumubuo sila ng sariling pamilya na hindi ako kasama. Pero nandito naman sina Lolo at Lola sila yung bumuo sa akin. Sila ang naging magulang ko nung nawala sila. Sila 'yung tumayo bilang Mama at Papa ko, kaya hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala sila sa akin.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon