Kabanata 8

177 11 121
                                    

Hindi ko nireplyan ang text ni Caiden. At wala akong balak sagutin 'yun. Imbes na iyun ang pagtuunan ko ng pansin ay natulog na lamang ako.

"Haley bango na!" sigaw ni Lola sabay katok sa aking pinto.

"Opo!" sigaw ko.

"Dalian mo at may nagaantay sa 'yo sa baba"

Ano!? Sino namang nagaantay sa akin sa baba? Kaya agad akong bumangon ngunit tumingin muna ako sa salamin bago bumaba. Pagkababa ko ng hagdan ay ang sumalubong agad sa akin ay ang bagong ligo na si Caiden. He's wairing a jeans and a white plain shirt. Ano bang ginagawa nito dito?

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Ahh..." he chuckled sabay kamot niya sa ulo niya. "Pwede ba kitang igala?" he bit his lower lip and gaze at me.

Tumingin ako sa kaniya ngunit agad din naman ako nagiwas ng tingin.

"Hindi ako papayagan nina Lola" I answered it with a dismissal tone.

"Pumayag na kase sila" he then chuckled and bite again his lower lip. And gaze at me intently.

Hindi ko maiwasan na tignan ang pagkagat niya sa kaniyang mapupulang labi. The hell! What's wrong with me?

"At saan naman tayo pupunta?" tanong ko sabay iwas ulit ng tingin sa kaniya.

Bakit ganan na naman siya makatingin? May problema na naman ba sa mukha ko? E wala naman akong muta bago bumaba.

"Basta malapit lang naman" sagot niya sabay titig ulit sa akin.

"Oh! Haley manligo at magbihis ka na nakakahiya namang magantay pa ng matagal sa 'yo si Caiden" singit ni Lola na pababa na sa hagdan.

"Opo" sagot ko.

Kaya agad akong pumunta sa kwarto ko para magbihis at magayos. Saan naman ako dadalhin ni Caiden? And what's wrong about him? Why he always biting his lower lip? At ako namang si tanga tingin ng tingin doon.

Buti napapayag niya si Lola na umalis ako ngayon. Ang lakas naman niya kay Lola kung sa ibang lalaki 'yun hindi siya papayag. Sabagay kakilala naman niya si Caiden, but wait bakit ba ako sasama sa kaniya?

Habang naliligo ako words are gushing into my mind. Ano na naman 'tong ginagawa ni Caiden? At bakit ganon ang text niya sa akin? May gusto na ba siya sa akin? But he never say to me na may gusto siya sa akin pero mahirap na mag-assume.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuklay na lamang ako at nagapply ng konting make-up. I wear a simple dress at pagkatapos noon ay bumaba na ako. Pagkababa ko ay tumayo na agad si Caiden sa sofa. At nagpaalam na aalis na kami.

"Lola aalis na po kami ni Haley" pagpapaalam ni Caiden.

"Magi-ingat kayo ha" bilin ni Lola.

Pagkalabas namin ay nandoon na ang kaniyang kotse na Honda. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto sa front seat bago siya pumunta sa driver seat.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.

"Diba sabi mo madami kang iniisip?" He then looked at me. "Kaya naisipan kong ipasyal ka para mawala naman 'yung mga iniisip mo"

Nagiwas na lang ulit ako ng tingin sa kaniya.

I'm speechless though pwede namang sa bahay na lang ako. Ano namang kinalaman noon? Ganito din ba siya kay Gianna? Ganito ba ang ginagawa niya sa mga babae niya?

Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon