"Congratulations sa ating tatlo!" kinikilig na wika ni Elaine.
"Hoy Congrats! Grabe akala ko hindi tayo makakapasa" si Mika na ngayon ay naiiyak.
"Congrats guys!" I hugged them both.
Nakatayo kami ngayon sa may list ng mga nakapasa sa NCAE. Nakapasa kaming tatlo nina Mika at Elaine sa STEM strand kaya tuwang-tuwa kami. Hindi ko alam na makakapasa kaming tatlo dahil ang hirap ng exam. Kaya worth it din ang naging pasok naming tatalo tuwing Sabado dahil nakapasa kaming tatlo sa strand na gusto naming kunin.
Pagkatapos ng nangyari sa bahay nina Caiden ay umuwi na kami. Hinatid niya ako pauwi dahil 'yun ang sinabi niya kay Lola, na ihahatid niya ako pauwi pagkatapos mag dinner sa kanila.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may ugnayan talaga ang mga Almazor at Cortez noon. Hindi ko rin alam na magkasintahan pala si Tito Mon at Ma'am Anne noon.
Ang daming tanong sa isip ko. Gusto kong magtanong kina Lolo at Lola. May mga hindi pa ba sila sinasabi sa akin? Akala ko sapat na 'yung pagkwento niya nung nagkwentuhan kami sa salas ngunit hindi pa pala. Meron pa pala at nalaman ko pa 'yun kay Tita Karla. I wonder how bitter Tita Karla was when we talk about love. May iniiwasan ba siya? Galit pa rin ba siya sa mga Cortez hanggang ngayon?
"Mag-celebrate tayo ah" wika ni Elaine na ngayon ay tuwang-tuwa na.
I just nodded and smiled to them.
Imbes na kung anong isipin ko ay ang inisip ko na lamang ay nakapasa ako sa NCAE strand para sa STEM.
Hapon na rin ng ipaskil ang mga nakapasa kaya inabangan talaga namin ito. Kung kaya't maraming tao ang nandoon. Nahirapan pa kaming makaalis na tatlo sa dagat na mga taong nakaaligid doon sa nakapaskil.
"Saan ba tayo kakain?" tanong ko.
"Diyan lang sa may cafe" si Elaine.
I just nodded again to them and continue walking. Nakalabas na rin naman kami ng gate. Nagchismisan na lamang ulit silang dalawa sa daan.
Pagpasok namin sa cafe ay kakaunti ang tao. It's the usual cafe na pinuntahan namin. Ngunit may mga munting nagbago roon. Nagdagdag sila ng mga muwebles na makaluma. At lalo pa nilang pinaromantic ang upuan sa pang-dalawahan. I love this cafe actually because the owner of this store has a great taste on designing their store.
Umupo kami sa pang-tatluhan na upuan. Pagkatapos noon ay dumating na rin ang waiter. I just ordered a baked mac and esemada.
"Engineering na ba talaga guys?" tanong ni Elaine.
"Ako sigurado na ako" sagot ko.
"Ako rin" wika ni Mika.
"That's good to hear" wika ni Elaine. Ngunit hindi pa rin siya natatapos magtanong.
"So, kumusta naman kayo ni Caiden Haley?" tanong niya sa akin kaya lumingon ako sa kanya.
"Okay naman" I smiled at him.
"Ikaw, Mika? Kayo na ni Gab?" tanong ni Elaine kay Mika na ngayon ay sinundot ang tagiliran.
"Tantanan mo ko Elaine" sagot ni Mika na naiiyamot sa tanong ni Elaine.
"Eto naman hindi na mabiro" sagot ni Elaine natatawa na.
"Ikaw, Elaine kumusta na lovelife mo?" tanong ko.
BINABASA MO ANG
Hanggang Kailan (Barkada Series #1)
RomanceBarkada Series #1 Haley Cortez is from a broken family, but when she found Caiden Almanzor, she found love and happiness that can't be given by her Mother and her Father. Ngunit Hanggang Kailangan nga ba ang saya na 'yun? Hanggang Kailan ang pag-ii...