Kabanata 22

76 5 196
                                    

Apat na oras ang naging byahe namin papunta sa Mindoro. At dalawang oras naman papunta kina Tito Bert. Pagkababa namin sa barko ay sumakay na lamang kami sa kotse na dala namin. Sa likod na lamang ako umupo at ang katabi ko ay si Tita Beverly. Si Lolo naman ay sa unahan umupo.


Palayan ang siyang nakikita ko habang papunta kami kina Tito Bert. Ang sabi ni Lolo ay ang ikinabubuhay daw ng mga taga Mindoro ay ang pag-aani kung kaya't hindi ko na ipagtataka na maraming palayan mula rito. May mga bundok din akong nakita. Ngunit hindi pa rin mawawala ang mga palayan. Hanggang sa nakarating na kami sa bayan. Maraming mga bata at mga matatanda ang nakita ko. Ang sabi ni Lolo ay malayo raw ang mall at mga kainan kina Tito Bert at kakaunti lamang ang mga mall na nandito at kainan hindi tulad sa Batangas.


Bumaba na lamang ako sa sasakyan na dala namin. Dalawang oras ang naging byahe namin papunta rito kina Tito Bert.


"Pa, buti naman at naisipan niyo na magpunta rito" si Tito Bert matapos bumaba ni Lolo sa sasakyan.


Hindi ko maipag-aakila na kahit na matanda na si Tito Bert ay makikita mo pa rin ang tikas ng kanyang katawan. Ang kanyang buhok ngayon ay purong itim. At ang mga ilong niya naman ay katulad ng kay Lolo. Ngunit ang mata ni Tito ay itim. Ang katabi naman ni Tito Bert ay ang kanyang asawa. Hindi ko rin maipag-aakila na maganda ang asawa ni Tito. Ang buhok niya ay hanggang balikat lamang. Ngunit matangos din ang ilong nito. At ang kutis naman nito ay morena na siyang lalong mas nagpaganda sa itsura niya.


Nagmano ang asawa ni Tito Bert kay Lolo at pagkatapos noon ay tinawag nito ang kanyang mga anak. Upang makapagmano at maipakila na rin kay Lolo dahil matagal na itong hindi napunta sa Batangas. At matagal na rin sigurong hindi nakikita ni Lolo ang mga ito.


Lumabas ang isang binatilyo at isang dalagang babae na siguro'y kasing edad ko lamang o di kaya ay matanda lamang sa akin ng kaunti.


"Adriel at Nikaella, magbless kayo sa inyong Lolo" si Tito Bert.


Ang unang tingin ko sa lalaki ay parang suplado ang awra hindi katulad ng awra ni Gab. At ang babae naman ay maipag-aakila mo talagang isang Cortez dahil sa ganda nito. Ngunit hindi ko rin maipag-aakila na gwapo ang lalaking nasa harap ko ngayon bakas din sa itsura niya ang pagiging isang Cortez.


The girl smiled at me. And I smiled at her too. Ang kanyang buhok ay kulay itim at ang kanyang mga mata ay puron itim lamang. Ngunit ang kutis nito ay katulad ng sa kanyang ina. Ngunit ang dulo ng mga buhok nito ay kulot katulad ng akin. Samantalang ang lalaking nasa tabi niya ay ngumiti lamang nang kaunti sa akin. Ang kulay itim niyang mga mata ay kagaya lamang ng sa kanyang kapatid na babae. At ang kanyang buhok naman ay clean cut at makapal ang pagkakilay niya. At sa awra niya ay parang galit at suplado siya kung titignan.


"Hello, I'm Nicaella you can call me Ella or Nica. Pero Nica ang tawag nila sa akin dito" ang anak ni Tito Bert na babae na lumapit at ipinakilala ang sarili sa akin.


"Ako naman si Haley" pakilala ko.


"My name is Adriel. But you can call me drel" ang lalaking anak ni Tito Bert. He smiled at me kaya nagulat ako dahil unang kita ko pa lang sa kanya kanina ay parang suplado at galit siya.


"I'm Haley" sagot ko. Sabay ngiti na rin.


Si Lolo at Tito Bert ay magka-usap na ngayon samantalang si Tita Beverly at ang asawa naman ni Tito Bert ay inaasikaso ang mga gamit.


"So, anong grade muna?" tanong ni Nica sa akin.


"Grade 11 sa pasukan, ikaw?" tanong ko.


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon