Angeline's POV
Maagap akong pumasok this time, wala lang Friday na kasi ibig sabihin wala nang klase later kasi half day lang ang klase namin pag ganitong araw.
Hindi na din ako nag dala ng mga school stuff kasi nga may over night kami kila Yue mamaya para gumawa ng report, kaya mga damit nalang ang ginayak ko.
Pag pasok ko sa room ay na patingin agad ako sa upuan nya, kaso wala pa sya, mejo maagap pa naman kasi baka late lang sya. Dahil tanggap ko na sa sarili ko na gusto ko sya, e sya na lagi ang gustong makita nitong mga mata ko.
Napangiti nalang tuloy ako kasi naalala ko yung tweet nya kagabi. Hindi sa paga assume pero, alam nyo yun parang laging naiisip ko na sakin nya patama yung mga tweets nya, hayyss! Assuming lang talaga ang lola nyo.
Ano ba yan, bat parang mas exited na akong makita sya lagi.
"Wow! Himala, ang agap mo ata ngayon, anong breakfast mo? Ganun nalang din dapat kainin ng mga tropa natin para umagap agap ang pasok ng mga yon" bungad ni Maxine.
"Napaagap lang gising ko kaya ako maagap pumasok"
"Weh? Baka naman kasi may gusto agad makita, ayieeeeee!" pangaasar pa nito sakin, sabi na e, pag ganitong may iuulit na sila sakin ay di na nila ako titigilan, pano pa kaya pag nalaman ng buong tropa.
"Sino yun ha!?" halos mapatalon kami ng biglang sumulpot sa likod namin si Cj.
Paktay, mangungulit na tong mga to.
"Si tropa kasi may bagong crush"
"Ayeiiii! Sino yun ha? Lumalovelife ka rin ha" pangloloko pa nito sa akin.
Sinasabi ko na, pag tropa ang nakaalam ay siguradong lagi nila akong aasarin sa kanya.
Buti nalang at dumating na si ma'am kaya hindi na nila ako naasar.
Tuwing may papasok sa pinto ay agad ako dung napapatingin, halata mo na may hinihintay.Hanggang sa magsimula na ang klase ay wala parin sya, kung about sa volleyball ang reasons kung bakit wala sya, dapat ay may excuse letters na para dun.
Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung kagabi, nasa bar kaya sya kagabi tapos nagiinom pa sya, baka na lasing sya ng sobra kaya di na sya nakapasok ngayon.
"Sinong absent ngayon, Secretary?" tanong ni mam, kay Jasmin.
"Si Ms. Mercado po ma'am, nasakit daw po ang puson nya kaya daw po di sya nakapasok, na ito po yung excuse letter nya" pagka pirma ni ma'am sa excuse letter nya ay ni dismissed na nya ang klase.
"Lungkot ka? Wala bebe mo" bulong sakin ng gago kong katabi kaya sinamaan ko to ng tingin.
"Tara na sa canteen" akit samin ng mga boys.
"May bago na daw bebe si Ange" malakas na sabi ni Cj kaya puro ayeiiii yung mga kaklase ko.
Gandang pag lalagyan ng plaster ang bibig ng mga tropa ko.
"Sino naman yun, at parang di ko ata alam yan" pangaasar pa ni Ashley
"Pakilala mo naman samin yan, nang makilatis" Kurt
"Bago bang fafa yan, pogi ba?" parang baklang tanong ni Bryll kaya napatawa nalang kami.
"Eherm! Nagseselos na si Aian oh" kantyaw ni Luigi kaya biglang naging awkward na ang paligid.
"Gago, hindi no"
"Arat na sa canteen!" malakas kong sabi, baka San pa mapunta ang usapan e.
Dahil hindi pa naman talaga break time, kami palang ang tao dito sa canteen, mga STEM A.