Chapter VI

0 0 0
                                    

Euyxze's POV

Ang ganda ng panaginip ko, katabi ko daw sya matulog, nakaunan pa sya sa mga baraso ko habang nakayakap sakin.

Kung ganto lang rin naman ang panaginip ko ay mamaya na ako gigising...

"Gising na kayo, umaga na"

Naalimpungatan ako ng may biglang umugug sakin.

Ayaw ko pang gumising, ngayon ko lang napanaginipan na yakap ko ang baby ko e... Teka... Boses ba yun ni Ayheka?

Anong ginagawa nila sa kwarto ko?

OMG!!

Hindi panaginip na yakap ko sya, kasi yakap yakap ko talaga sya ngayon!

Hala anong ginawa ko sa kanya? Omygosh!!

Dito nga pala sila natulog sa bahay namin.

Pagmulat ko ay hindi ko agad maalis pagkakayakap ko sa kanya kasi naka intertwine ang mga kamay nya sa kamay ko at naka unan pa sya sa braso ko.

Ang heaven pag ganto yung bubungad sayo sa umaga, ang himbing nyang natutulog sa mga bisig ko.

Gusto ko mang manatili sa ganitong position pero hindi pwede kasi hindi ko pa sya girlfriend, baka magalit sya pag nagising na sya. Kami nalang ang andito sa kwarto ko, siguro bumaba na sila, alas otso na pala ng umaga.

Dahan dahan kong inalis ang pag kaka intertwined ng mga kamay namin, her hand is perfectly fit on mine, kelan ko kaya mahahawakan ang kamay nya ng ganito.

Natanggal ko nga ang pag kaka intertwined ng kamay namin pero hindi ko parin matatangal ang mga braso ko sa pagkakayakap ko sa kanya kasi nakadagan ang mga braso nya sa braso ko, tas nakaunan pa sya sa isang  braso ko. Mukhang hindi ako makakawala sa kanya ng hindi ko sya nagigising.

Hindi ko na tinangka pang alisin ang pagkakayakap ko sa kanya, mas lalo ko pa syang niyakap palapit sakin, mukha kasing malabo na maulit pa ang ganito kaya maganda na sulitin ko na. Magigising narin naman sya maya maya lang, edi sulitin na natin.

Pano ba kami nag end up sa ganitong position?

Nawala yung sandayan ko na unan, yung yakap ko lagi, kaya siguro sya yung nayakap ko, napagkamalan ko syang unan.

Ang bango nya, amoy baby sya.

Pinikit ko na ulit yung mata ko, wala na siguro akong makikitang lugar na mas peaceful pa sa mga yakap nya. Sa yakap ng mahal ko.

.
.
.
.
.

Angeline's POV

Whoyyyy!!

Kinikilig nanaman ako!

Kanina pa kasi ako gising, ginising kasi ako ng mga buset kong tropa, at pinagsasamantalahan ko daw si Yue my love. Sabi ko nga sa kanila picturan kami para may souvenir naman ako na katabi sya. Pinalabas ko na rin agad sila sa kwarto nya para masolo ko sya.

Nagpanggap lang akong tulog, naramdaman ko kasi na nagising na sya. Sinubukan pa nya na tanggalin yung pagkakayakap nya sa akin pero, hindi sya makakawala dun ng di ako nagigising. Kaya nagulat ako nang imbis kumawala sya sakin ay niyakap pa nya ako palapit sa kanya, kaya kinikilig ako ngayon.

Syempre puro asa nanaman ang peg ko ngayon pero, sino ba naman di aasa pag ganito diba, bakit mas niyakap pa nya ako?

Alam ko naman na gising na sya e. Edi umasa nanaman ang puso ng mga umaasa.

Tama na to, pinapaasa ko lang naman yung sarili ko sa kanya e.

Umikot na ako paharap sa kanya at nagpanggap na kakagising ko lang, unti unti naman nyang minulat ang mga mata nya.

SHE'S INTO HER (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon