Euyxze's POV
Tapos na ang summer break, ibig sabihin simula nanaman ang pasukan. Hindi pa ako nakakapag enrolled, kakabalik ko lang kasi dito sa Quezon kahapon, galing ako sa Palawan sa mansion namin. Dun ako nag spend ng summer kasi umuwi ang parents ko. Minsan ko lang sila makasama kasi masyadong busy ang trabaho nila. My mother is a doctor and my father is a military General, masyado silang committed sa trabaho nila kaya halos minsan ko lang sila makasama. Ganun pa man, hindi naman sila nagkulang para iparamdam samin na mahal nila kaming magkakapatid, so whenever may time sila sa pag uwi dito sa Pinas hindi ako nagdadalawang isip na puntahan sila para makasama.
So, hindi pa nga pala ako nakakapagpakilala sa inyo kung ano ano na ang kwento ko dito. I'm Euyxze Mercado, 17 year old, grade 12 STEM student.
Yeah, I'm STEM student, pero parang naligaw lang talaga ako sa strand na yun, awan ko ba, masyadong bored na siguro ako sa buhay ko kaya natripan ko mag STEM. Pero charott lang, balak ko kasing mag engineer kaya yun ang kinuha kong strand. Hindi naman sya mahirap, nakasurvive nga ako ng isang taon e, di rin naman ako kagalingan sa math. Kaya wag kayo matakot mag STEM kasi marami ka dung makukuhanang insperasyon, andami ko kayang poging kaklase, magaganda at gwapo ang mga STEM kaya wala ka ng hahanapin pa, tas matatalino pa, charrr.So, andito pa ako sa bahay, 7:30 na, super late na ako, siguro sarado na ang room namin, second period na ang mapapasukan ko. Nagsasara kasi ng pinto yung advicer namin, puro kasi tanghaliin ng gising ang mga STEM, kaya sinasaraduhan ng mam, first day na first daw late parin.
Alam ko naman na wala pa masyadong gagawin ngayon, kaya nagpapalate talaga ako. At may inaabangan pati ako.Buong summer ko syang hindi nakita kaya miss na miss ko na sya, oo yung crush ko yun.
Pagbaba ko ng tricycle ay saktong kakadating lang din ng tricycle na sinakyan nya. Sabi ko na sa inyo e, makakasabay ko sya. Mukhang wala parin sya pinagbago, tanghaliin parin sya. Mukha pating inaantok pa hahaha, ang cute.
Binigay ko na ang bayad kay manong, tas sinundan ko na sya. Halatang nagmamadali na e, ang bilis nya maglakad.
Gusto nyo ba syang makilala?
OK, sya ang crush ko, kaklase ko sya, last year ko lang sya na kilala kasi transferee lang ako dito sa school na to. She is the most beautiful woman in our class. Yeah, I'm in love with a 'her', she caught my attention on the first day of school.
Meet my crush, Angeline Anderson, 19 year old, mas matanda sya ng isang taon sa akin.
"Captain!!"
Napalingon ako sa mga tumawag sa akin at tumigil muna ako sa pag lalakad. Nakita ko sa peripheral vision ko na na patingin din sya sa gawi ko.
"Yow!" bati ko sa kanila.
"Wow captain, ang blooming mo, siguro may jowa na to"
"Wag nga kayo, ang ingay nyo, andun lang sya oh" suway ko sa kanila, pero mahina lang. Malapit na kasi kami sa room, kaya andun lang sya nakatayo sa labas ng room namin, sabi ko naman sa inyo sarado na e.
"Wah! Capt namiss kita, pa yakap ako" kahit kailan talaga, ang kulit nitong mga to, kaya nag group hug na kami.
"Nakatingin sya" bulong sakin ni Dy
"Wag nyo syang lingunin baka mahalata tayo e" bulong ko sa kanila.
Alam kasi ng mga to, na sya ang crush ko, kaya sa tuwing malapit sya ganto tong mga to.
"Tara sa canteen" akit ni Ann.
"Teka, wala ba kayong klase" tanong ko sa kanila.
"Wala pa si mam e, kaya tara na"
