"Can I court you?"
Screechhhhhhhhh...
Napa kapit ako sa kanya ng mahigit dahil sa bigla nyang pagpreno
"Are you gonna kill us!" Grabe kinabahan ako dun ah
"What did you just say?" Pilit syang lumingon para harapin ako.
"Are you gonna-.."
"Hindi yan, yung kanina" Putol nya sa sasabihin ko. Ahh, so, yung
"Can I court you?" Ulit ko at tiningnan ko ang reaksyon nya.
Tinalikuran nya ako, humarap na uli sya sa unahan, namumula nanaman ang tenga nya.. I didn't knew she have this side, ang cute nya kiligin.. Or, ganto lang sya pag malapit ako sa kanya.
I'm gonna teased her, niyakap ko ulit sya. "I'm asking you.. Yes or yes.. Yan lang ang pwede mong isagot" bulong ko sa kanya, sinadya kong sumayad ang labi ko sa tenga nya, naramdaman ko na natigilan sya.
"A-ano.. W-wala naman akong choice" nauutal na sya, naiilang sya sa akin. Lumayo na ako, baka I making her uncomfortable.
"Bat parang napipilitan ka lang" nakanguso kong sabi. Bumaba sya sa motor at hinarap ako kaya bumaba na rin ako, hinawakan nya ang parehong kamay ko.
"It's not like that.. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko.. Halo halo, pero masaya ako, nangingibabaw yung saya at kilig, yung lumapat lang ang mga balat mo sa akin para akong nakukuryente.. Ito.." Inilagay nya ang kamay ko sa dibdib nya kung asan yung puso nya, nararamdaman ko na ngayon ang tibok ng puso nya, "Nararamdaman mo ba? Lumalapit ka palang subra na kung magwala yan.. Pano pa kaya kung nakayakap ka na sa akin.. Tapos tatanungin mo pa ako kung pwede kang manligaw.. Hindi ko na alam ang gagawin ko.. I'm so happy that, finally, I can hold you in my arms.. And feel that you want me too-.." Hindi na ako nakatiis at hinila ko na sya palapit sa akin at niyakap, ang sarap sa puso ng mga sinasabi nya. Ilang minuto pa na magka yakap lang kami, biglang Nagring ang phone ko.
"Ano ba yan, isturbo naman" naiinis kong sabi, she just chuckle still holding my hands, this is the best feeling ever. "Hello"
"Tama na yang yakapan nyo jan, eksena kayo, sa kalsada pa mandin.. PDA much" nakinig ko pa ang pagtawa nila, "Pumunta na kayo dito, para makapagsimula na tayo"
Totttt.. Tootttt..
Binaba na nila, mga bungal talaga, so, nakita nila, siguradong aasarin ako ng mga yun.
"Anong sabi"
"Punta na daw tayo dun"
"Parang di ko kaya magdrive, I felt weak"
"Edi ako Magdadrive" inagaw ko sa kanya ang susi at sumakay na sa motor. "Tara na" nakatingin lang sya.
"Seryoso ka.. Naalala ko gusto mo matuto, kaya di ka pa marunong"
"Just trust me, baby" umangkas na din sya.
"Sayang, sabi ko pa mandin tuturuan kita.. Alam mo bang ikaw ang dahilan kung bat nagustuhan ko mag motor.. "
"Bakit?"
"Remember, when we're having a shooting on our travel blog.. Sinabi mo na gusto mo matuto mag motor, kaya ayun" natouch ako, natandaan pa nya yun.
"Natandaan mo pa yun, nasabi ko lang naman yun out of the blue"
"Syempre, lahat ng sinasabi mo, tumatatak yun lahat sa puso ko"
"Ahh.. Bat ba lagi mo kong Pinapakilig, ikaw kaya ang dahilan kung bat ako nagtutu"
"Bakit naman"
"Kasi ganto.. Akin na yang kamay mo.." Kinuha ko ang kamay nya at ini yakap ko yun sa akin, aalisin sana nya kaya di ko binitawan ang kamay nya, ".. Isa sa mga pantasya ko na iangkas ka sa motor tulad nito, habang nakayakap ka sa akin.. Masyadong astig ang crush ko nung pumasok sya ng nakamotor e"
