Chapter III

0 0 0
                                    

Ayekha's POV

Grabe hindi ko kinakaya ang mga kaganapan, parang may dumaang anghel dahil sobrang tahimik ng paligid. Talagang hindi ko inaasahan ang isang yun, pero ano naman diba, wala naman masama sa bagay na yun.

Naputol ang katahimikan ng biglang pumasok ang sunod naming teacher. Dali daling binalik ni Jasmin ang phone ni Yue at bumalik na sya sa upuan nya.

Gusto nyo ba na ichika ko sa inyo ang nangyari? So, ito na nga, ang makulit na si Jasmin ay kinulit ang kaibigan nya, kinuha nito ang phone ni Yue.

Hindi na nga ako makikinig sa discussion, chikahan nalang tayo, charrr.
So ito na next na nangyari, meron palang kachat dun si Yue, sabi nya ay si jowa daw nya, e aksidenteng napindot ni Jas yung call kaya natawagan yung kachat ni Yue, at ang alam ng lahat ay si Kiel nga ang boyfriend nya, yung pumunta dito kanina, kaso babae yung sumagot ng telepono, na hindi ko din talaga inaasahan.
Wala namang problema kaso nakakagulat lang talaga. Yung paran ng pag I love you nya dun sa nasa kabilang linya is so nakakakilig. I'm so happy for Yue.
Mukhang ldr sila kasi hindi taga dito yung girl, tapos may date sila sa weekend, mapapa sana all ka nalang talaga.

But the question is, sino talaga sa kanila ang jowa nya? Yung nasa kabilang linya o yung pumunta dito kanina. O kaya wala talaga, kasi bakit kailangan pa nyang isekreto diba, she's always saying that she's not in a relationship, whenever we are asking her. Pero malay natin nung summer lang naging sila kasi nga ang laki ng pagbabago nya, talagang nag glow up sya ngayon, mas gumanda na sya ngayon.

Pero kung pagbabasehan ay yung sinabi nya sa amin na straight sya, last year, boyfriend talaga yung tunay, pero mas kinikilig ako dun sa kausap nya sa phone kanina.

Ahhjjhdjds.... Bahala na nga, hindi naman galit ang ekspresyon ni Yue kanina kahit na invade na yung privacy nya kasi nga mabait talaga yan as in, hindi pa namin yan nakikita magalit, sobrang bait talaga as in, kung lalaki lang talaga sya baka jinowa ko na sya kaso, puro kaso e.

Napadako ang tingin ko sa isang buang na nasa likudan ni Yue, halata mo na hindi nakikinig ang bruha kasi halata mong nakatulala lang sya at tila may malalim na iniisip.

Isa pa tong tropa naming to e, akoy may naaamoy din ditong iba e, di naliligo baga, charrot hahahha.

Pero may napapansin talaga ako Jan na iba ngayon. Alam naman namin na hindi pa talaga yan nagpapaligaw kasi nga sabi nya sa amin study first nga daw muna sya. Di naman yun bago e, kaso recently, parang may tinutukoy sya sa mga tweets nya. And yung kahapon, yung pagpunta ni Yue sa bahay nila, sabi nya pinabili nya lang sya ng pagkain, e hindi naman nyan ugali mang abala pa ng tao para lang magpabili ng pagkain, kasi pwede naman syang magpadiliver nalang diba, at gabi pa yun ha, tas kung di pa yun nakita ni Maxine mukhang wala pa sya balak sabihin samin.

Wala naman akong problema dun, hindi naman ako against sa mga lgbt e, kung may crush sya kay Yue, OK lang naman, kasi kahit ako crush ko sya, pero not in a romantic way, alam nyo yun, yung talagang hinahangaan mo lang sya, ang lupet kaya nya sa volleyball, no. 1 fan nya ako.

So balik tayo sa kaibigan kong loka loka, tingin ko kasi parang in denial sya, hindi lang naman ako ang nakakapansin nun, pati ang tropa ay napapansin yun, kasi iba talaga ang kislap ng mata nya pag si Yue ang kasama nya.

Magkakaalaman talaga ay pag gumawa na kami ng aming project, mabuti at ka group namin sya.

Nagaalala kasi ako na baka, nasa kalagitnaan sya ng identity crisis, tapos di sya makaamin kasi baka iniisip nya yung sasabihin ng iba pag nag out sya. Never pa naman kasi yan nagka jowa, at talagang binabasted nya ang mga nanliligaw sa kanya.

"Ms. Anderson, are you with us?" napalingon kami sa pwesto nya kasi nakailang tawag na sa kanya si sir.

Sabi ko na lutang nanaman yan e, kailangan pang kulbitin ni Maxine para magising.

SHE'S INTO HER (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon