Chapter II

0 0 0
                                    

Angeline's POV

Malalaking hakbang na ang ginawa ko at halos takbuhin ko na ang paglalakad papunta sa room namin. Tinanghali nanaman kasi ako ng gising at alam nyo na ang dahilan nun, napuyat nanaman ako, at ngayon hindi na movie ang dahilan nun.

Maya na nga ang chika, nakita ko na si mam na naglalakas papunta sa room kaya talagang tinakbo ko na ang pagtungo roon para maunahan lang si mam.

"Ms. Anderson!"

Napatigil ako sa pag takbo ng marinig ko ang pag tawag sakin ni mam.
Patay na, baka mailista pa ako sa mga late, yanu yan.

"Good morning po mam" bati ko dito.

"Bakit ka tumatakbo, Ms. Anderson?"

"Ahhm- Pasensya na po mam, nalate po ako ng gising, uunahan ko na po sana kayo bago makarating sa room" pagtatapat ko, wala ako maisip na palusot e.

"Nakikipaghabulan ka pala sa akin, dahil ikaw na ang nakita ko, ikaw nalang ang pagdadalahin ko nito sa room, gagawin nyo yan, hindi muna tayo mag kaklase ngayon.." hindi ko napigilang mapangiti dahil sa sinabi ni mam, Walang klase!! Woooh!
"Mamaya ka na magdiwang, iiwanan ko nalang kayo ng gawain, ikaw na bahala magpaliwanag sa kanila ng gagawin at ikaw na rin ang bahala maglagay sa table ko pagkatapos nyo" pinaliwanag na sakin ni mam yung gagawin.

Buti talaga nagkataon na di magkaklase si mam, kala ko mapapagalitan ako e.

"Hayyss, ka pagod, tumakbo pa ako, wala pala si mam" biglang sulpot ni Vincent sa katabi ko, hingal na hingal pa ito.

"Kala ko nga papagalitan ako e, ano yang dala mo?" meron kasi syang dalang supot.

"Ahh, ito, sayo daw to tas ito sa mga kaklase natin, pasalubong daw ni Yue sa atin" sabay abot nya sakin nung nakabukod na supot. Di ko alam kung bat bigla akong napalingon sa likudan namin para hanapin sya.

"Asan sya?" tanong ko ng di ko sya makita.

"Andun, kausap si mam, hindi sya papasok sa klase kasi may meeting din sila ng team, kaya pinadala nalang nya to sakin"

Tiningnan ko yung pwesto namin ni mam kanina at andun nga sya, kausap si mam, sports bag nya ang dala nya kaya di nga sya papasok. Napatingin nalang ako sa supot na bigay nya.

"Oh! Guys! May paayuda ako sa inyo!" anunsyo agad ni Vincent, ako naman ay dumiretso na sa upuan ko.

"May di ka sinasabi sa akin" bungad ni Maxine sa akin pagkaupo ko palang sa upuan ko kaya tiningnan ko sya ng nagtatanong.

"Tigigisa lang daw sabi ni Yue, pasalubong nya to sa atin galing sa Palawan" isa isa ng pinamigay sa kanila ni Vincent yung tinapay.

"Vici! Si Ange pa wala pa" sabi pa ni Maxine.

"Meron na yan, may bukod na bigay jan si Yue" sagot nito.

"Naol naman" kantyaw nila sa akin.

"Hoy! Wag nga kayo, binilin ko to sa kanya no, nagsabi ako sa kanya kahapon" saway ko sa kanila, parang mga tanga e, kung ano ano iniisip.

"Yah! Ito yung inuuda nyo kahapon sa library, masarap to mga tol" malakas na sabi ni Ivan kaya na buhay nanaman yung kantyawan nila.

"Sabi na e, may ikekwento talaga to sa atin si tropa e" lapit ni Ashley sa pwesto namin.

"Oo na mamaya na ang kwento, may iaanounce muna ako"

Dahil sa sinabi ko puro nanaman sila ayeiiii, pantanga e, mga malisyoso.

Pumunta na ako sa harapan at pinaliwanag sa kanila ang gagawin, ayun natahimik ang mga gago, gawaang gawaan na pagkatapos kong sabihin sa kanila.

Ano bang big deal sa pagbibigay nya sakin ng bukod, e sinabi ko naman talaga yun sa kanya kahapon, mali, sya pala ang nagsabi nun.

SHE'S INTO HER (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon