Angeline POV
Friday, September 26
Two days nalang birthday ko na, alam kaya nya. Umaga na pero di parin ako bumabangon, naka higa parin ako hanggang ngayon, mamaya pa naman ang flight namin after lunch kaya Ok lang na hindi pa ako bumangon. Kinuha ko ang picture namin sa side table ng kama ko, nakaframe na yun, picture namin nung nasa bus kami sa field trip.
"Babe, galit ka ba sakin" tanong ko na akala mo ay sasagot yung picture nya. "Pagnakita kita gusto ko na sabihin mo kung gaano mo ko kamahal, sorry din kung nasaktan kita" patuloy ko sa pagkausap sa picture nya.
Ringggg.. Ringggggg
Napatalon ako sa gulat ng magring ang phone ko, anuban yan alam na nagmomoment yung tao e, istorbo.
"Hello" di ko na tiningnan kung sino yung natawag.
"Galet na galet, gusto manakit, gusto lang nilang alamin kung gising ka na, Sige na, bye na" sabi ni Ivan sa kabilang linya at binabaan ako ng telepono, istorbo kasi e.
Alas nuebe palang naman kaya maliligo na ako. Siguradong wala na dito sila mom Kasi nasa work na sila, sa labas nalang ako malalunch.
Kinuha ko na ang susi ng motor ko, yun nalang ang gagamitin ko para iwas traffic, oo marunong na ako magmotor, recently lang ako natutu, gusto ko rin kasi syang iangkas. Kakahiya kasi pag lagi sya yung maghahatid sakin, pero hindi ko pa to ginagamit papunta sa school kasi baguhan palang naman ako.
Hindi ko na inakit ang tropa, sa Jollibee lang naman ako kakain, mambuburaot lang yung mga yun. Pag pasok ko ay napalingon sa akin ang lahat, may dumi ba sa mukha ko, Ok naman yung suot ko kahit pambahay lang to, oo naka pambahay lang ako ng suot ngayon, kakain lang naman kaya anong masama dun. Hindi rin naman kabastos bastos, naka short at oversized shirt lang ako, tinanggal ko na ang shade ko at pumila sa counter, bumalik na naman sila sa pagkain nila, problema nitong mga to. Tinanaw ko ang motor ko na nakapark sa gilid lang nitong fast food, may ilan na manghangmangha at may nagpicture pa, baka gawa dun kaya nila ako pinagtinginan kanina, isa lang naman yung ducatii, awan ko ba kay dad kung bat yun ang binili sakin nung malaman nila na gusto ko magmotor, yun na nga lang din daw regalo nila sakin, hindi ko nalang sila pinansin.
Matapos kong umorder ay umupo na ako sa pinakatabi na part, dun sa pang isahan lang na table. Nag fb na muna ako habang naghihintay. Binuksan ko GC namin kanina pa to maingay e
Buraots
Bryll:
Spotted si tol nasa Jollibee di nangangakitBryll sent photo
Kurt:
Naka motor pa si tol, mayabangIvan:
Mayabang talaga si tolAyheka:
Madaya hindi nagakitMe:
Mambuburaot lang kayo
BelatAsh:
Wag na nga natin yang pansinin
Cj:
Wag na natin yang isama sa PalawanAyheka:
Oo nga iwanan na natin yan si tropaMe:
Mga bungal, bala kayo jan, kakain na ako ng Jollibee
😝😝Maxine:
Wala si tropa nanginggit naDumating na yung order ko kaya nag out na ako. May ilan na lumilingon sa gawi ko pero di ko nalang sila pinansin at tinapos ang pagkain ko. Hanggang sa pagsakay ko sa motor ay pinagtitinginan parin ako, bala sila sa buhay nila at pinaharurot ko na ang motor ko pauwi.
