Chapter VII (CFT 1)

0 0 0
                                    


Angeline's POV

It's Sunday!

Maagap palang ay nag prepare na ako para sa field trip namin, 3 days and 2 night yun kaya isang maleta ang dala kong gamit. Mamayang 1am ang alis namin kaya nagset na ako ng alarm kasi matutulog muna ako.
_____________*_____^___

Ringgggg... Ringgggg

Nagising ako sa pag ring ng phone ko, hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at sinagot ba ito.

"Hello" inaantok na tugon ko.

"ANGELINE ANDERSON..." sigaw ng nasa kabilang linya kaya inilayo ko sa tenga ko ang cp.

"Ha? Wag ka ngang sumigaw, Ayeka, bat ka ba tumawag inaantok pa ako eh" ano bang gusto nito gabing gabi pa e.

"Sabi ko na nga ba tulog ka pa eh, paalis na kaya ang bus, may field trip tayo remember, bilisan mo na wag ka na maligo, ikaw nalang ang wala dito" sabi nya, kaya na tigilan ako.

"OH MY GOD..Kyahhhhh, sige na maliligo na ako, pasabi na hintayin ako" binaba ko na ang tawag, narinig ko pa ang pag tawa nila sa kabilang linya. Asar bat di ako nagising sa alarm, 12:45 na meron nalang akong 15min. Mabilis na akong naligo at nagbihis, pagbaba ko ay nasa sala na si Dad at nagkakape pa, lumabas naman sa kusina si Mom.

"How's your sleep, baby?" Tanong ni mom, at bigla namang tumawa si Dad ng nakakaloko.

"Mom, dad why didn't you wake me up?" Nakasimangot kong tanong sa kanila.

"Baby, ginising ka ng dad mo, tulog mantika ka lang daw talaga" natatawang sabi ni mom. Kahit kailan talaga tong dalawa na to lagi akong pinagtutulungan, pero kahit ganun mahal ko sila, sila ang the best mom and dad in the whole world.

Exited na akong makita ulit sya, miss ko na sya e, di ko parin makalimutan yung nangyari nung Friday, mukhang may pagasa ako sa kanya.

Anyway, kumain ako ng kaunting breakfast na niluto ni mom, tapos hinatid na nila ako sa school.

"Good luck baby girl, tawagan mo kami pag may problema, magingat kayo ng mga kaibigan mo, Ok?" Bilin ni mom.

"Ok po, Mom" tugon ko.

"Princess, diba kasama din jan si Yue?" Tanong ni dad kaya tumango lang ako.

"Hindi naman masamang mag first move princess, baka kasi maunahan ka pa" panunuksong sabi ulit ni dad.

"Ako bahala dad, tulad nga ng sabi nyo, mapapabaliko ko rin sya" confident kong sabi.

"Basta magpakatotoo ka lang sa nararamdaman mo para sa kanya, iparamdam mo sa kanya na gusto mo sya, suportado ka namin dyan sa nararamdaman" sabi naman ni mom at kinindatan lang ako ni dad. Nagpaalam na ako sa kanila at binigyan sila ng tigil isang kiss at hug, dabest talaga sila, talagang pinupush na nila ako sa kanya, nakuha kasi agad nya loob ng parents ko, lakas no, syempre baby ko yun.

Nakita ko sila sa labas ng bus na sasakyan namin, agad naman na sumalubong sa akin sila Bryll at Kurt at kinuha ang mga dala kong gamit, kaya sobrang mahal ko tong mga to e, napaka gentleman nila.

"Dumating din, sa wakas" Meeko

"Buti naman nagising pa tong tulog mantika na to" Ivan

SHE'S INTO HER (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon