Chapter XIV (P 5)

0 0 0
                                    


Sky's POV

Naaasar ako, hindi na naman kasi nya ako pinapansin. May nagawa na naman ba ako, Ok naman kami kanina nung nagsnorkling kami, tas bigla na namang naging malamig ang pakikitungo nya sa akin, hindi nya ako tinatapunan ng tingin, nakaka asar.

"Oh.. Bat naman ang habahaba nanaman ng mukha ng baby ko" si Kuya Ezequiel, kakalabas lang din nya ng room nya. Nagbihis na ako Kasi susunduin namin sa airport sila Thana, Nakiusap kasi sa akin si Celes, na sunduin daw namin ang ate nya kasama yung jowa nya, and guest what iisang Thana lang pala yung kilala namin, nabanggit nya yun nung sinabi ko sa kanya ang dahilan nung pangaaway sa akin ni Angeline.

"Kasi hindi nya ako pinapansin, di naman nya sinasabi kung may nagawa ba ako" nakanguso kong sabi kay Kuya

"Nagseselos yun kay Celes, hinahayaan mo kasi na dumikit sayo yun, e alam mo naman na may gusto nga sayo"

Nagseselos sya? Kaya naman pala, ano pa kaya pag nalaman nya na si Thana ang susunduin ko. Mas maganda na malaman nya, magpapaalam ako sa kanya.

Dumeretso ako sa balcony namin kung asan silang lahat, dito na rin sila mage stay, makulit masyado ang mga parents at Lolo ko pagdating sa mga ganun, dito talaga kasi nila pinapatuloy sa mansion, basta mga kaibigan namin, sobrang laki ba naman nito.
Napangiti ako ng makita ko kung paano sya makitungo sa mga magulang at Lolo ko, nakinig ko pa na mom at dad din ang tawag nya sa mga magulang ko, close na agad sila ng family, pati mga tropa nila.

"Mom, Dad, I'm going, may susunduin lang po ako sa airport" bungad ko sa kanila, lahat sila ay napatingin sa gawi ko, pati sya, pero malamig parin ang mga titig nya sa akin, katulad nung nasa kwarto kami kanina. "Can we talk" baling ko sa kanya at pumasok na ulit ako sa mansion.

Sumandal ako sa likod ng sofa, nakatayo sya sa harapan ko, pero wala sa akin ang tingin nya.

"I'm going.." Pano ko ba to sasabihin, "Susunduin ko sa airport si Thana.." Nasabi ko rin.

Pero nasaktan ako sa sinagot nya sa akin.

"Kailangan mo pa ba ng approval ko... hindi mo naman ako magulang para mag paalam ka pa,  kaya dun kana sa mga babae mo"

Ouch..Bakit nga naman ako Nagpapaalam sa kanya e wala naman syang pakialam sa akin. Babae.. Sya lang naman ang babae ko, ansakit naman, nagbadya na ang luha sa mga mata ko. Ganto ba yung mahal ka, Natitiis ka na hindi kausapin, baka naman Nagkamali lang ang tropa nya, hindi nga pala sa mismong bibig nya galing na may gusto rin sya sa akin, lasing pa sya nun, kala ko mas honest pag lasing, sabi sabi lang ata yun.

Tinalikuran na nya ako at umalis na pero hinabol ko sya at niyakap mula sa likod, hindi na napigilan ng luha ko na tumulo, ilang beses na ba nya akong Napapaiyak.

"Sabihin mo sakin kung titigil na ba ako.." Nasasaktan na ako e, hindi ko malaman kung ano ba ako sayo, meron ba akong puwang Jan sa puso mo.

Hindi nya inalis ang pagkakayakap ko, alam ko na Natigilan sya sa sinabi ko.

"Young Lady, I'm sorry to disturbed you but, the yacht is ready"

Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya, ng biglang may nagsalita sa likodan namin. Agad kong pinunasan ang luha ko, baka kasi makita pa nya, sinuot ko agad ang sunglasses ko at umalis na. Bahagya akong napatigil ng marinig ko ang sinabi nya.

"Don't stop"

Sana nga, hindi lang ako umaasa sa wala. Birthday na nya bukas.. Balak ko kasi na bukas ko sya tatanungin kung ano ba talaga ang meron kami, gusto ko ng label, ayaw ko ng bastang M.U. lang, malabong usapan.

**

2PM ang land ng eroplano nila, 1:30 palang naman, kami lang ni Celes ang sumundo, baka Kasi matagalan pag sinama ko pa ang buong tropa, hindi masyadong malaki ang dinala kong boat, Kasi ako lang naman ang Magdadrive.

SHE'S INTO HER (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon