Chapter X (P 1)

0 0 0
                                    

Euyxze's POV

Nagising ako dahil sa naramdaman ko ang pag angat ko sa inuupoan ko, may bumuhat sa akin. Minulat ko ang mata ko, nakita ko ang isang gwapong nilalang na bumuhat sa akin.

"Bakit hindi mo nalang ako ginising, ibaba mo na ako" sabi ko kaya tumingin sya sa akin

"Sige lang matulog ka lang dyan, alam kong pagod ka" sabi nya kaya di na ako nagpumilit pa hinayaan ko sya na buhatin ako tutal wala din akong gana maglakad.

Binaba nya lang ako nung nakarating na kami sa yate na sasakyan namin papunta sa island namin.

Nakaramdam na ako ng gutom, ala una na pala, asan kaya sila, pumunta ako sa loob at andun nga ang mga gago kumakain na.

"Pasensya na kayo kasi kakaunti lang yung nadala naming pagkain, akala kasi namin makakarating tayo dun bago maglunch" paliwanag nya

"Ok lang yun Kuya Ezequiel, pantawid lang ng gutom Ok na" uchay

"Oyy tirhan nyo ako" sabi ko at nakigulo na sa kanila, gutom na talaga ako e

"Yan puro tulog ay" Aries

"Wag nyo ngang asarin broken yan ngayon" alliana

Tuloy lang ang pangaasar nila sa akin, mga gag* to, alam na andito si Kuya e, oo Kuya ko si Ezequiel

"Wag nyo ngang awayin ang baby ko" sabi ni Kuya at inakbayan ako, "Mukhang marami kang ikukwento sakin bunso ah" yan na nga ba ang sinasabi ko e, nagpapakwento na.

Tinapos ko na ang pagkain ko at sumunod sa kanya sa deck.

"So how's my baby" tanong nya

"I'm not ok, Kuya, she's mad at me"

"Why, what did you do?"

"I didn't do anything, I don't know that she has a feelings for me too, she met Thana, you know her, she kissed me in front of everyone"

"Oh that video"

"Hmm, I think she's jealous of Thana, she think that we're together"

"Why didn't you explained to her"

"She hate me and don't want to talk to me"

"Don't worry, it'll be fine, and it's her lost not you" sabi nya at niyakap ako. But it's my lost too, I want to be with her, I want her in my arms.

Nakarating na kami sa mansyon, isa itong bahay bakasyonan ng pamilya ko, dito kami pumupunta sa tuwing may family gathering kami, hindi naman kalayuan dito ang hotel na pagmamayari rin ng aming pamilya, isa itong private island na pagmamayari ng pamilya ko, maraming turista ang nagpupunta dito tuwing summer dahil sa ganda at mabuti ang pamamahala ng mga ka tiwala namin dito. Si Kuya Ezequiel ang nagmamanage ng hotel dito, kaya sya ang sumundo sa amin kanina sa airport, si Kuya Ethan naman ay meron ng pinatayong hospital dito para hindi na mahirapan sa pagpunta sa ibang bayan ang mga nakatira dito. Meron pa akong nakababatang kapatid, si Euell, ngayon ay nag aaral palang sya tulad ko, highschool na sya. Mahilig talaga sa EU ang mga magulang namin kaya ganan mga first name namin.

Kompleto silang lahat, maging si General ay andito rin, tatay ni papa Lolo ko, isa syang sundalo tulad ni Dad, pati si Mokks tatay naman ni Mom Lolo ko rin, ayaw nya kasing tinatawag namin syang Lolo, masyado daw syang tumatanda pag ganun kaya Mokks nalang daw. Si mom naman ay isang doctor.

"Reporting for duty, maam, sir" sabi ko at sumaludo sa kanila, humanay naman silang lahat sa katabi ko, mga tropa ko at sumaludo rin at tumayo ng tuwid, hindi namin binaba ba ang kamay namin hanggat hindi sila sumasaludo, ganto ang ginagawa naming pagbati sa kanila sa tuwing magkikita kita kami, sanay na din ang mga tropa ko. Sumaludo na sila Lolo at dad kaya binaba na namin ang kamay namin pero nanatili parin kaming nakatayo ng tuwid at nasa likod ang mga kamay namin, parang sundalo.

SHE'S INTO HER (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon