Euyxze's POV
Hapon na nung nagising ako, bumaba agad ako kasi nagutom ako bigla, naamoy ko pa ang niluluto sa kusina, kaya mas nagutom ako.
"Noona!.." Sigaw ng nakababata kong kapatid at sinalubong ako ng yakap.
"Euell!!.." Masaya kong tugon, namiss ko din tong bubwit na to, "Kailan ka pa nakarating? Wow, Anlaki mo na" mas matangkad na ito sa akin ngayon.
"Kakasundo lang sa kanya ng Kuya Ethan mo kanina" singit Ni Mom
"Andaya bat di nyo ko ginising, sana nakasama din ako" naka pout kong sabi.
"Ginising kita, tulog mantika ka lang " depensa ni Kuya Ethan.
"So, kamusta ang pag aaral mo? Para tuloy ako lang ang di tumatangkad" sabi ko, ako na tuloy ang pinaka maliit sa amin
"Ok lang yan nonna, ikaw parin ang pinaka gwapo" sabi ni Euell kaya nagtawan sila.
"Tama na ang asaran, pumarito na kayo at tayo ay kumain na" suway ni Lolo
"Asan si Kuya Ezequiel, pati ang buraots " wala kasi si Kuya at yung mga yun
"Ayun mga bagsak, lahat lasing, katanghalian ba naman naginom" natatawang sabi ni Mokks.
Masayang natapos ang hapunan, puro kamustahan ang naging usapan tungkol sa bagong dating kong kapatid. Sa Korea sya nagaaral kaya wala sya nung dumating ako.
•••• K • I • N • A • B • U • K • A • S • A • N ••••
As usual, gumising ako ng maagap para sa training, natawa ako sa mga tropa ko kasi may hangover pa, at mga gutom pagkagising, mga hindi kasi naghapunan kagabi.
Ginawa ulit namin ang usual routine, kaya mga pagod na naman kami, si Ace parin ang partner ko, ngayon ay mag shoshoting kami, pumunta kami sa isang medyo malagubat na lugar, nahati kami sa dalawang grupo para maglaban, baril na paint ball ang bala ang gamit namin. Kami ang blue team, sa Kabila naman ay red team, nagkahiwalay ang mga tropa, si uchay, Queen, Aries at Eunice lang ang kagroup ko, ako ang leader ng team namin at si Ace naman ang sa kabila, kami daw kasi yung pinaka magaling daw kunu kaya kami ang ginawang leader.
Nakaposisyon na ang mga team ko, ina abangan nalang namin na lumabas ang mga kalaban namin. Lahat ng kalaban na makikita ko ay pinagbababaril ko sa ulo, at sobrang natatawa ako sa mga reaksyon nila. Lumipas ang ilang oras at ilan nalang ang nakatayo sa team ko at sa team ng kalaban. Kakaunti na rin ang bala ko kailangan ko nang matapos to.
Isa nalang ang hindi ko pa napapatumba sa kalaban at yun ang lider nila, si Ace. Inubos narin nya ang mga kakampi ko at kaming dalawa nalang ang na titira.
Magaling din magtago ang isang ito kaya hindi ko sya matapos agad.
Krackkkk...
Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang kaluskos, at di nga ako nagkamali andun sya at nakatutuk sa akin ang baril.
"Kung ako sayo, hindi ko itutuloy ang balak mo" banta nya sa akin, sorry sya mas mabilis ako sa kanya.
"Sorry hindi kasi ako ikaw" sabi ko at pinaputok ang baril ko.
Klakkkk...
Shit wala na akong bala, kaya napatawa sya.
"Mukhang wala ka ng bala, Moore, kaya ako naman" mayabang nyang sabi at pinutok ang baril nya.
Klakkkk...
Napangisi ako, wala na rin syang bala, kaya palihim kong binunot ang patalim ko. Meron din kaming patalim, pero wala itong talim kasi paint ang lalabas dito, simple lang kasi ang rule ng game na to, kung sino malagyan ng paint ng kalaban sya ang talo.