khaine twilieght point of view
pumunta na ako sa school ng mga anak ko at uwian na nila,habang nagda-drive ako may mga sasakyan ang sumusunod sa akin.
Medyo nagtataka ako at di padin sila nagsisialisan sa likod ng sasakyan ko. hinayaan ko lang sila at pinabilisan ang sasakyan ko patungong school ng mga anak ko.
Nang nasa tapat na ako ng school ng mga bata biglang tumunog ang cellphone ko,tiningnan ko ito at isang unknown message ang nagpop-up dito.
[Unknown number]
-khaine twilieght santiago how are you? your doing fine my first love?your so beautiful my first love... And now... Finally i found you.
Bigla akong kinalibutan at natakot. kilala ko ang unknown message.I really really know him.
Ipinasok ko na sa loob ng bag ko ang cellphone,pumasok na ako sa loob at nagtungo sa room ng mga bata.
Pagtungo ko doon sinalubong nila ako, isa-isa nila ako niyakap at tila ang gulo ng mga buhok nila.
"Bat magulo ang mga buhok niyo? Don't tell me na naman na nakipag away kayo?" ani ko.tumango sila at sa oras na iyon ay naging honest na sila.
Napasapo ako ng ulo dahil sa nangyari. Biglang yumoko sila maliban kay Hellia na nakatingin lang saakin ngunit hindi malamig.
"Mommy,nakita ko po yung lalaki na iyon oh." ani ni Hellia at tinuro ang lalaki,ang lalaki na tinuro niya ay si..
'Kyle?'
Nakita ko siya na may kasamang mga batang lalaki na sa tingin ko ay kasing edad din ng mga anak ko.
umiwas na ako ng tingin dahil tumingin sa akin ang isa sa apat na batang lalaki,
"Mommy ilang years na ang lumipas dimo padin sinasabi saamin kong sino ang daddy namen..." ani ni hermonnie. nalungkot bigla ako dahil sa tanong niya.
"Hermonnie..diko pa masasagot yan anak..medyo..komplikado pa.." ani ko. Tumango naman sila maliban kay Hellia na nakatingin kay Kyle.
"Hellia..tara na uwi na tayo?"ani ko. Tumingin naman sa akin si Hellia at tumango na.
Lumabas na kami at nagtungo sa sasakyan ko,pinagbuksan ko sila at sumakay narin ako.Habang nagda-drive ako pauwi na napansin kong may sumusunod na naman na limang sasakyan sa likod ng sasakyan ko.
"Mommy? Parang may sumusunod?" ani ni Hetallia.Napatingin din ang tatlo at biglang may kinuha na apat na laptop.
"Anong gagawin niyo?"ani ko.Tumingin lang sila sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa nila sa laptop.
Hindi nila ako pinansin at nagpatuloy na lamang ako sa pagmamaneho,binilisan ko ang pagmamaneho ko para di kami maabutan.
Nang binilisan ko ang pagmamaneho hindi kona makita ang mga sasakyan na sumusunod sa amin at ang mga anak ko naman ay tinago na nila ang laptop at ipinikit ang mga mata.
'Weird'
YOU ARE READING
I HIDE MY DAUGHTERS FROM THE MAFIA LORD WHO GOT ME PREGNANT
Aléatoireprologue: "I'm pregnant.." nanghihina kong ani sa sarili ko.dalawang pula ang nakalagay sa pregnancy test, at ang ibigsabihin nito ay nagdadalang tao ako. "Hindi maaaring mangyari to..." bulong ko sa sarili ko. Itinago ko ito sa bag at kinuha ko ang...