04

95 4 1
                                    


Habang naglalakad palabas ng University nagulat ako ng may huminto sa akin na isang Ducati na motor inangat ko ang paningin ko i blinked twice when i saw Sander who is riding the Ducati. Tinaas niya ang salamin ng itim na helmet niya at tinignan ako.



"Sakay ka dali may papakita ako sayo."



Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. "Saan naman?"



"Sa secret place ko. Dali na maganda don."




Pinanlisikan ko siya ng mata.




"Hoy grabe siya ha! Alam ko naman maganda ka pero wala akong gagawin sayo noh asa toh!"





Inikot ko nalang ang mata ko at sumampa na sa Ducati niya. Nag struggle pa nga ako sumakay dahil naka palda ako, patagilid akong umupo hindi ko pa alam kung saan ako kakapit.




"Humawak ka sakin baka mahulog ka." Saad niya.




"Eh saan ba ako hahawak?" Tanong ko naman.



Lumingon siya sa akin at biglang kinuha ang dalawa kong kamay saka niyakap sakanya natigilan ako sa paghinga sa ginawa niya.



"Yan. Humawak ka ng mahigpit ah. Baka imbis na sakin ka mahulog, mahulog ka pa sa lapag." He chuckled of his corny jokes.





Napatili ako ng umandar yun ng mabilis tuloy napahawak ako ng mahigpit sa baywang niya. Inayos ko ang pagyakap ko sakanya para hindi ako mahulog, dahil sa lapit niya ay naamoy ko ang mabango niyang cologne, nakakaakit naman ang amoy nito. Humahalo sa hangin ang napaka bango niyang amoy. Napapasinghot nalang tuloy ako.







"Asteria sabi ko yakap lang! Yung dibdib mo na nararamdaman ko na! Layo ka unti!"



Sigaw nito na ikinahiya ko tumingin ako sa pagitan namin at tama nga siya sa higpit ba naman ng yakap ko sigurado ako na mararamdaman niya nga ang dibdib ko.




Naramdaman ko ang pag-alog ng likod niya dahil sa pagtawa niya. Siraulo toh ah pinagttripan ata ako.





Tumigil kami sa seaside, inalalayan niya akong bumaba sa Ducati. Ni hindi ko na siya matignan dahil namamagha akong nakatingin sa dagat.




"Bakit mo ako dinala dito?" Marahan kong tanong sakanya.




"Gusto ko lang ipakita sayo ang paglubog ng araw, sobrang ganda ng sunset dito saka para ma relax karin kahit papano. Paborito ko kaseng tambayan toh, dito ako lagi kapag sobrang dami ko ng iniisip o kaya naman kapag pagod tapos kapag nakikita ko yung scenery dito grabe gumagaan yun pakiramdam ko."




Tumingin ako sakanya nakatingin siya ngayon sa dagat, grabe ang features niya kahit naka side view siya ang gwapo parin at ang tangos ng ilong. Hindi na ako magtataka kung maraming nagkakagusto sakanya una. Mabait, pangalawa, gwapo at malakad ang dating, pangatlo, matalino at maalaga din, at siguradong mapapasaya at mapapangiti ka.





Hindi ko nalang namalayan na nakangiti narin ako habang pinagmasdan siya bigla naman siyang lumingon sa akin at tinignan lamang ako tumigil siya at marahan tumawa, yumuko siya at ngumiti.




"Hindi ko akalain na may dadalhin akong babae dito." Saad niya.






Magsasalita pa sana ako ng makita na namin ang pagsimula ng paglubog ng araw. Para akong dinadala nito sa kakaibang mundo, hindi nakakasilaw tignan. Ang oras na toh lang pumapayag ang araw na tignan siya ng matagal.



Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon