07

74 4 2
                                    

"HOY! Asteria ginagawa mo dito?"

"Ay wow! Gago ka ba? Ikaw kaya nagpa-punta sakin dito. Sapakin kita diyan eh!"

Natatawang lumapit sakin si marki at pinalibot ang braso sa leeg ko.

"Ang bigat ng kamay mo!"

"Sabay tayo kain." He chuckled.

Yun lang naman pala hindi nalang sinabi sa chat pa curious pa ang bwisit nato. Siniko ang tiyan na napa igik siya sa sakit pero tumawa din naman pagkatapos.

"Sige na bilisan natin eh may gagawin pa kami sa laboratory eh" saad ko.

Bilisan namin maglakad para makapunta agad kami sa cafeteria ang gusto pa nga sana ni marki ay sa labas ng univ kami kumain pero nga ang sabi ko may gagawin pa ako. Pagtapos namin bumil umupo muna kami sa isang bench para don kumain.

Tumingala ako para makita ang langit pero agad din akong yumuko dahil nakakasilaw ang liwanag ng araw. Sandali ako pumikit at dinama ang pag dampi ng malamig na hangin sa aking balat.

"Asteria.." lumingon ako kay marki "ikaw yung, babae sa post ni sander noh?" Natigil ako sa pag nguya sa sinabi niya.

Umiwas ako ng tingin.

"Alam ko ikaw yun. Malayo ka pa nga lang kilala na kita eh.." napabalik ako ng tingin sakanya kalmado ang mukha ko habang nakatingin sakanya. Hinaplos ng kanyang palad ang aking buhok. Nakangiti si marki pero ang mata niya ay malungkot.

Nasa lab kami nang ma-alala ko ang itsura ni marki. Ano kayang nangyare don broken ata siya. Wala naman siyang sinasabi sakin.

I sighed heavily while doing my experiment.

"Bakit asteria, may problema ba? Gusto mo tulungan kita diyan?" Vander asked.

Umiling ako  "Nah! I'm fine"

He smiled "ah. Sige"


Nang makauwi ako sa bahay ay nag advance study ulit ako marami ako natutunan ngayong araw lalo na sa pag gamit ng psychological attacks pero hindi daw dapat namin yun gawin dahil pwede daw mabaliw ang taong pinag gamitan mo non lalo na kung mahina ang isip niya.


Bukas ay gaganapin na ang 39 Celebration ng University namin kaya wala kaming klase. Magkakaron daw ng salo-salo sa Univ pagkatapos ng mga activities ng ibat-ibang department.


Napatakbo agad ako palabas ng kwarto ko nang may narinig akong nabasag. Nasa hagdan palang ako ay nakita ko na ang mga bubog na nakakalat sa sahig.


"Sinabi ko sayo maghiwalay nalang tayo! Ang tanga! tanga mo kase! Sinayang mo lang yung perang pang aral sa mga anak mo!" My mom shouted at dad.



"Anong nangyare?" Si ate na kakababa palang galing sa kwarto niya.

"Hindi ko alam teh." Tumalikod ako at umalis na. Sinara ko ang pinto at umupo na sa upuan ko inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa.

Maya-maya ay. Uminit na ang gilid ng mata ko at nagsimula ng manlabo. huminga ako ng malalalim para pigilan ang sarili ko sa pag iyak.


Ok lang. Sanay na ako sakanila. Pero bakit kailangan sa araw-araw lagi silang ganun? Pinipilit nalang ba nila magsama para sa amin ni ate. Parang laging pinipiga ang puso ko kapag nakikita kong nahihirapan si mama gusto ko man sisihin si papa pero hindi ko din naman magawa dahil kahit siya din naman ay nahihirapan.


Masaya naman kaming pamilya dati eh. Sa tuwing matatapos kami kumain ay masaya kaming nagku-kwentuhan at nagbibiruan. Pero dahil sa aksidente na yun naubos lahat ng pera ni mama.bumili si papa ng sasakyan at naloka lang siya malaking halaga ang nawala pagtapos non ay habang pauwi si papa nawalan ng preno yung sasakyan kaya naman ay nakabunggo siya ng isang motor at sasakyan walang magawa si mama kundi bayaran nalang yun.

Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon