23

72 3 3
                                    

"ASTERIA! Akala ko iniwan mo na ako dito. Huhu!" Nag hehestirical na saad ni Muriel sa akin ng nakapasok ako sa kwarto namin. Natatawa akong tinignan siya habang naluluha na siyang nakatingin sa akin. Nilapag ko ang binili kong pagkain sa lamesa.

"Hindi pa nga ako nakakalangoy sa dagat pinapauwi mo na agad ako." Natatawa kong saad. Nakasimangot siyang tumingin sa akin.

"Sana kase ginising mo ako para nasamahan kitang bumili niyan." Parang bata niyang itinuro ang pagkaing dala ko.

Parang sira talaga. Naiilang nalang akong nilabas ang mga pagkain sa loob ng paper bag at inayos ng pagkakasalansan sa lamesa. Bigla naman pumasok sa isip ko ang nangyare kanina muntik na akong makita ni Sander mabuti nalang dumating na ka agad ang order ko kaya mabilis akong tumakbo pa alis.

Maya-maya pa ay nagsimula na kaming kumain. Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay siya namang nagsalita si Muriel.

"Hoy gurl. Nakita ko IG post ngayon ng bago ng ex mo."

Natigil ako ng pag-nguya at napalunok nalang uminom ako ng tubig bago magsalita. "Paano mo naman nalaman IG ni Ms. Aspen? Hindi ko naman binaggit pangalan niya sayo ha." Nakakunot ang noo ko habang inaantay siyang sumagot.

Napakamot siya sa ulo niya at ngiwing ngumiti. "Kase Inistalk ko yung IG acc ni Sander tapos nakita ko yung isa niyang post kasama yung Gurl... kaya naisip ko na baka siya yun at tama nga ang hinala ko siya nga yun. Kimberly Aspen nakalagay na name." Paliwanag naman niya.

Ang alam ko ay hindi parin nagpapalit ng IG acc si Sander ganun padin yun katulad noon pero hindi na ako masyadong babad sa social media kaya naman hindi ko din naman nakikita ang mga post niya hindi ko sya inunfriend or block ang childish naman tignan kung ganun ang gagawin ko diba?

Kumuha ako ng tissue at marahang pinunasan ang labi ko. "Kahit kailan talaga Stalker ka... oh eh ano ba nakita mo?" Curious kong tanong sakanya. Lumawak naman ang ngiti niya.

"Yung new post kase nong Kimberly. Take care my love with pic ni Sander na paalis papuntang Airport tapos with hashtag na SaharaIsland... ang ibig sabihin lang non nandito rin si Sander sa beach kung nasaan tayo!" Pumapalak-pak siyang tumugon sa akin. Para namang hindi ko pa alam eh nakita ko na nga siya kanina.

Binigyan ko siya ng ang-OA-mo-teh look. "I saw him earlier... mas nauna ko pang nalaman Sis."

"Ay weh. Sorry naman... malay ko ba! Grabe destiny na ang naglalapit sainyo. Baka may comeback? Ay malabo kase papakasalan mo na si Vander hindi ba?"

I tsked. "Kumain ka na lang diyan, andami mong sinasabi." Tumayo ako at nagpunta sa banyo upang mag toothbrush at mag shower nadin, gusto ko na muna matulog para kinabukasan ay maganda ang gising ko excited na ako sa beach.

Kinaumagahan ay nagising ako sa pagyug-yug sa akin ni Muriel. Sinamaan ko siya ng tingin ng makabangon ako. Jusko ang sarap matulog ang lamig! Lamig ng hangin.

"Bagal mo naman magising El, magtatanghali na uy. Gusto ko na mag swimming!" Naiirita na si Muriel.

Pumasok na ako sa banyo at nagpalit ng masusuot, nag one piece swimsuit ako na nilagyan ko nalang ng sarong sa beywang ko. Paglabas ko ay wala na si Muriel sa kwarto nakita ko siyang nasa labas na at nagpapahid na ng sunblock...

Mahina kong sinampal ang pwet niya. "Excited ka sis?" I laughed.

"Bwisit ka kase ang tagal mo magising edi sana kanina pa ako nakababad sa dagat. Grabe oh ang ganda. Sige na una nako!" Ibinigay niya sa akin  ang sunblock niya at mabilis na tumakbo papunta sa asul na asul na karagatan...

Nagpahid nadin ako ng sunblock sa katawan ko para naman hindi ako masyado mangitim at hindi magkaron ng sunburn...

Nang matapos ay naglakad narin ako papunta sa dalampasigan... ngunit di ko inaasahan na makikita ko na naman si Sander kasama niya ang mga lalake din kahapon na nasa Restaurant. Naka Hawaiian shirt ang iba si Sander naman ay naka white V-neck shirt at Hawaiian shorts ang katabi naman niya ay naka hubad lang kapansin pansin tuloy ang magandang katawan nito...

Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon