06

78 4 1
                                    

DAPAT ay umalis na ako kanina nang makita ko silang magkayakap pero bumitiw agad si sander sa yakap sakanya nong babae at nilingon ako hinawakan nya ang pulsuhan ko para pigilan umalis.

"Anong ginagawa mo dito?" Sander asked.

Makahulugan ang bawat tingin sakin nong babae. Hindi mawala ang tingin niya sa akin.

"Kasama ko si mommy kanina kaso may important meeting siya kaya nagpaiwan na muna ako dito" bigla naman at inilahad nya sakin ang kamay nya at nagpakilala "Hi! I'm Alliah, Sander's cousin" She friendly said.

Cousin? She's just her cousin. parang biglang gumaan ang pakiramdam ko sa nalaman.

Tinanggap ko ang kamay nya at nakipag shake hands sakanya. "Ahm, I'm Asteria" i smiled.

Pinaglaruan nya ang kanyang labi gamit ang daliri na parang nagdududa kung bakit kami magkasama ng pinsan nya.

Binalingan nya ng tingin si sander. "Girlfriend?" Mapaglaro nyang tanong.


Agad akong umiling sakanya at itinanggi yun "Ah hindi! Schoolmate lang kami"

Ginulo ni Sander ang buhok ng pinsan niya at pinitik ito sa noo.



"What the hell! Hey! I'll sue you!" Galit na sigaw ng pinsan niya.


Natawa ako. Pati pinsan niya iniinis niya baliw talaga.


"Napaka tsismosa mo kase! Gusto mo ba isumbong kita kay tita na boyfriend kana ah." He was threatening alliah.

Inis na umalis ang pinsan niya at naiwan kaming dalawa ni sander. Inakbayan ako ni sander na ikinatigil ko para akong na hyperventilate. Bakit ba ang hilig niya mang hawak.

Naglalakad kami sa gilid ng kalsada para umuwi na ang sabi ni sander ay ihahatid daw nya ako sa sakayan kaya naman naka-akbay padin siya sakin hanggang ngayon.

"Boyfriend mo ba yun kasama mo kahapon? Ang sabi mo wala kang boyfriend, ikaw ah! Asteria nyo sinungaling"

Tumingin ako sakanya at tinaasan ng kilay. "Hindi ko boyfriend yun noh, kaibigan ko lang yun. Niloloko lang nila ako kaya kung ano-ano ang pinag gagawa nila"





Hindi siya umimik, pero ilang sandali ay mahina siyang nagsalita.


"Mabuti naman kung ganun." Bulong ni sander pero narinig ko naman. Anong mabuti don. I pouted while stealing glances at him.





"CLASS i have important announcement for all of you,dahil tapos na ang mid term nyo ay may mga bagong activities na naka assigned sa ating department bawat department ay may ibat-ibang activities na ginagawa... ngayon ay nagsisimula na sila mag plano kung ano gagawin nila para sa gaganaping 39 years celebration ng ating university kaya inaasahan ko na makapag plano na rin kayo kung ano ang mga gagawin nyo...oh and may basketball league nga pala ang Louisville against sa Manila University on Monday next week so manood kayo."


Pagkatapos ni Prof, Arake magsalita ay nag tipon-tipon agad kami para mapag usapan ang mga gagawin namin. Ibat-ibang idea ang gusto nila ang isa ay puro pa flirt lang ang isa naman ay masyadong delikado ang gusto niyang mangyare.



"Eh kung may kumanta nalang kaya para madali." Suhestiyon naman ng isa.


Sumang-ayon ang iba sakanya dahil wala na talaga sila maisip.

"Pano kaya kung 100 pesos, 1 Hug" i suggested. Sabay sabay naman silang umiling at umayaw. "You know kapag ginawa natin yun. Yung makukuha nating pera pwede natin idonate. Makakatulong pa tayo, hindi ba?"



Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon