09

68 5 3
                                    

Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong naligo para di magkasakit. Nang makakain ako ako ay pumasok na ako sa kwarto para matulog na sana kaso lang ay hindi ako makatiis kaya naman kinuha ko ang phone ko at nag type ng message para kay Sander.



AsteriaDivina:Thank you for lending me your umbrella. Ahm... I'm sorry for what i said i didn't mean to be that rude.

Pero dinelete ko agad yun at pinalitan nalang nang ibang message.

AsteriaDivina:Sorry.

Hinintay ko ang pag seen niya pero di niya sineen kaya naman hinayaan ko nalang yun, malalim na ang gabi nang makatulog ako dahil sa pag-iisip kay sander. Baka mamaya ay nagkasakit na yun. Bakit ba kse siya nagpa-ulan tapos kakagaling lang niya ng training nila sigurado akong pagod siya tapos nagpabasa siya sa ulan tapos ang lamig lamig pa kanina. Haysss!!







Nagising ako sa ingay nang nagmumula sa alarm clock ko. Minulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang liwanag mula sa aking bintana inabot ko ang alarm clock ko at pinatay yun.





Pagkatapos mag ayos ng sarili ay tumakbo ako palabas ng bahay para makapunta agad sa University. Plano ko kase sanang kausapin si Sander sa nasabi ko at ibabalik ko nadin yung payong niya.



Nasa gate palang ako ng univ ay pinag uusapan nanaman nila ako, hinayaan ko nalang sila at mabilis nalang na naglakad, may bumunggo sa balikat ko kaya naman napa-igik ako parang na dislocate ata ah. Inis kong tinignan kung sino ang bumunggo sakin pero malayo-layo na sila unti at nagtatawanan pa sila.


Hindi ko nalang pinansin yun kahit masakit yung pag bunggo nila sakin.




Pagkatapos nang klase namin ay nagpunta ako sa covered court nagbabakasakali kung nandon si sander malapit palang ako narinig ko na ang pinag uusapan nila.

"May sakit daw si Sander kaya Hindi siya nakapasok"

"Oo nag message sakin kanina. Babawi nalang daw siya bukas sa training"



May sakit si Sander? Tumakbo ako papunta sa mga ka team mates. Nagulat sila lahat nang makita akong nakatayo sa harapan nila yung isang teammates nila ay may tinapik sa gilid niya pagharap nong lalake ay si Garson pala.

Nilakasan ko ang loob ko para makapagsalita "Ahm. Hi, Pwede ko bang malaman kung saan nakatira si Sander?"

Nagbulungan sila sa sinabi ko.

"Meron lang kase akong importanteng ibibigay sakanya."

Napatango naman ang iba. "Samahan nalang kita kung gusto mo" Garson said.


Nagtinginan ang mga teammates niya sa sinabi niya. Pero agad din naman akong umiling at tumanggi.

"Ah. Hindi na ako nalang yung address nalang sana."

May isang lalakeng lumapit sakin at may binigay na papel "Eto oh. Ayan yung address ni Captain, sa baba naman niyan number ko" Tumawa siya.

Napakunot ang noo ko.

"Biro lang... Number yan ni Garson, Kung sakaling maligaw ka pwede mo siya tawagan magkalapit lang kase sila ng bahay."


I nodded and smiled. "Thank you."

Ngumiti ang lahat sakin maliban lang kay Garson.


"Ingat ka Ms. Ganda!" Sabi pa ng isang teammates nila.


Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon