21

57 3 5
                                    

Wala ako sa sariling napa upo sa sulok ng aking kama. Yakap ko ang aking tuhod at patuloy parin ang pagbagsak ng aking mga luha. Napakasakit ng puso ko parang pinipiga. Bakit ganito? Bakit niya nagawa yun? Ano dahilan? May pagkukulang ba ako? Lumalakas ang paghikbi ko kaya naman ay tinakpan ko nalang ang aking bibig at mahinang humikbi.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog a akong yakap ang aking sarili nang magising ako ay, nahihilo akong tumayo at naghilamos sa banyo. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin namumutla at magang-maga ang mga mata ko.

May isang butil na naman na pumatak sa aking mata. Naawa ako sa sarili ko naawa ako sakaniya ang babaeng nasa repleksyon ng salamin...


Wala sa sarili akong bumaba at nakita ko agad ang mapanuring tingin sa akin ni mama. Nilagpasan ko siya ngunit hinatak niya ang kamay ko upang mapabalik don. Tamad akong tumingin sakaniya.

"Ano ang ginagawa mo at nandito ka pa? Ano oras ba OJT niyo sa Hospital at parang reyna ka pa kung magpagala-gala dito sa bahay. Magbihis kana at umalis... wag kang tatamad-tamad!" Nanlalaking mata niyang saad bago ako talikuran.

Ngunit napatigil siya ng malakas akong napahagul-gol ng iyak at malakas na nagsalita sakanya.

"I tried to be a good daughter to you!" Malakas kong anas sakaniya gulat siyang lumingon sa akin.

Ipinagpatuloy ko ang sinasabi ko kahit nagkanda piyok na ako sa pag iyak.

"I tried to be enough for you! And i tried to have a great relationship with people! And I'm tried to make sure I'm mature!
i have a good grades... And im gonna have a good future... Because that's all you  care about! My future! You doesn't care about right now! Where you mentally destroying me! Because everything i do is bad! "

Malakas ang bawat salitang lumabas sa aking bibig sa bawat salita ko ay pagbuhos ng sakita at luha... walang kapaguran ang pag-agos ng mga luhang kay tagal ng magpakita sa kaniya. Kay mama na walang ginawa kundi ang makita lang ang mali ko.

Humikbi ako "PAGOD NA PAGOD NA AKO!"


Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad palabas ng bahay. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko siya nilingon.





"Omygoodness! Ano nangyare sayo Asteria! Basang basa ka!" Malakas na saad ni Muriel ng puntahan ko siya sa bahay nila. Agad ko siyang niyakap at sakanya umiyak. Malakas ang ulan kanina kaya naman ay wala naman akong magawa kundi ang lumusong nalang doon wala naman akong dalang pera.


Nakapagpalit na ako ng damit at napatuyo ko nadin ang aking buhok nakahiga ako ngayon sa kama ni Muriel habang patuloy padin sa pag-iyak ayaw ko ng umiyak pero ayaw tumigil. Sa bawat pagpigil ko mas lalo pang sabay-sabay ang pagbagsak nito. Ang sakit! Sakit! Para akong dinudurog sa sakit! Napahikbi nalamang ako at napayakap sa aking sarili.




Kinabukasan ay agad na akong nag-paalam kay Muriel nag condo nalang muna ako dahil ayaw ko naman na maka-abala pa sakaniya. Sabi niya ay wag na daw pero ininsist ko kaya pumayag narin siya.

Maya-maya pa ay dumating si Marki at Randy sa condo at dinaluhan nila ako doon dahil hanggang ngayon ay wala padin ako sa sarili ko natatakot ako na baka hindi ko kayanin at may gawin akong masama sa sarili ko.


Nakasandala ako sa balikat ni Randy habang si Marki naman ay naglalapag lang ng mga pagkain sa low table. Hinahaplos ni Randy ng marahan ang buhok ko para akong baby na nagsusumbong sakaniyang ama.

"Iiyak mo lang yan. Nandito lang kami ni Marki para sayo" mahina akong napahikbi.

Padabog namang nilapag ni marki ang isang basong gatas sa low table at nakapameywang na tumingin sa akin. "Gusto mo ba resbakan na namin yun? Anak ng tupa siya! Sino siya para paiyakin ka ng ganiyan! Nakakagago tangena!"

Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon