24

68 4 6
                                    

"SINO ang babae na yan lucian? Bakit katabi ko yan pag gising ko?"


Itinaas niya ang kaniyang kamay na parang sumusuko. "Oh! Chill lang. Kumalma ka lang bro."


Napasabunot ako sa buhok ko. "Paano ako kakalma ha? Paano kung nakita kami ng girlfriend ko na ganun ang itsura namin ani nalang iisipin niya!?"


"Pinsan ko yan Sander. Kararating lang din niya kanina ang sabi ko sa couch siya matulog pero ayan nga at hindi naman nakinig sakin." Paliwanag naman niya.

"Don't worry handsome! Wala akong ginawang masama sayo!" Mapanundyo pang saad ng babae na ngayon ay nahiga na ulit sa kama at natulog.

Ng akmang aalis na ako ay nagslita si Lucian na ikinatigil ng mundo ko. "May nakita nga pala akong babae kanina. Nabunggo niya ako pero hindi siya nag sorry akala ko nga ma attitude lang pero nakita ko umiiyak pala."


"Si-sinong babae yun?" Kinakabahan kong tanong sakaniya. Napatigil din naman siya at mukhang naisip niya kung sino yun.


"Shit! Hindi kaya si Asteria yun? Naka doctor kase siya na suot at mukhang kagagaling lang sa hospital yung babae nayun tapos nakita ko pa na nakabukas ang pintuan kanina pag-pasok ko dito."


Sinuklay ko ang buhok ko pataas puno ng frustration ang nararamdaman ko. Mabilis akong umalis doon at nagtungo sa bahay nila Asteria. Kanina ko padin siya tinatawagan pero wala naman sumasagot ngayon ko nalang ulit nabuksan ang phone ko at nabasa ko ang lahat ng mensahe na ipinadala niya sa akin parang nadurog ang puso ko ng makita na napakarami non.



Nang bumukas ang gate nila ay ang papa ni Asteria ang una kong nakita magsasalita na sana ako ng bigla niya ang suntukin s mukha dalawang beses niya yung ginawa bago nagsalita.

"Ano ginagawa mo ditong lalake ka?! Hindi ba at sinabi ko sayo na alagaan mo ang anak ko at mahalin mo pero ano ang ginawa mo sinaktan mo lang si Asteria!" Pagalit nitong saad sa akin.

Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon