29

82 4 4
                                    

KAGABI pa ako isip ng isip kung paano ko sasabihin kay Sander na buntis ako. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang pagsabi. Tapos kahapon pa ay tinatanong ko siya kung ano magiging reaskyon niya kapag namalan niya na buntis ako ang sabi niya baka mahimatay daw siya.


Parang sira kung ano-ano naman ang sinasabi ayaw seryosohin ang sinasabi ko sakanya. Nag search ako sa Google kung paano sabihin sa karelasyon nila na sila ay buntis. Nakalagay don na prepare a simple surprise wala naman ako maisip. Mas nauna pang naka alam si Doc. Martina na buntis ako kesa sa ama.



Pasikreto akong nag punta sa OB para patignan ang baby ko. Ang sabi ay normal naman ang breathing ng babe ay malakas ang kapit. The Doctor gave me a ultrasound picture. I almost cried when i saw it. It's so cute. I decided to put the one ultrasound picture in the yellow envelope with gold ribbon.


Eto ang ibibigay ko kay Sander mamaya, susunduin niya kase ako dahil pupuntahan daw namin ang mama niya. Nakakamiss sila kamusta na kaya si Zayn siguro ay malaki na yun.






Nang maghapon na ay dumating na si Sander hinalikan niya ang noo ko napatingin siya sa hawak kong envelope.


"Ano yan babe?" He asked.




Kabado akong sumagot. "This is my gift for you. Pero mamaya ko nalang sayo ibibigay."



He looked at me with his curious eyes. "Cheque ba yan babe?"




I laughed. "Bakit naman kita bibigyan ng cheque. Baliw tara na nga."





Kinukulit niya parin ako hanggang sa makapasok kami sa sasakyan niya sabi niya ibigay na daw niya sa akin atat na daw siyang makita kong ano yun tapos hula pa siya ng hula kong ano laman.




Mahina kong hinampas ang kamay niya ng akmang kukunin niya yung sobre. "Mamaya na nga kase."



"Babe hindi ako makakapag concentrate mag drive kung may pa mystery effect ka pa diyan. Kaya sige na bigay mo na sakin babe." Pangungulit padin niya.


I sighed. "Mamaya nalang." Sumuko naman na siya sa pagkulit sa akin at nagsimula na mag drive.




Nang makarating kami sa bahay nila ay namangha ako dati ay hindi ganto toh kalaki pero mukhang pina ayos talaga ng todo at lalong gumanda ang bahay nila. Sinalubong kami ng mama ni Sander may dala-dala siyang bata mga nasa 4 or 5 ata nagulat naman ako ng makita ko si Zayn kay bilis nga naman ng panahon limang taon narin naman kase ang lumipas.




Nang makapag usap kami ng nama ni Sander ay si Zayn naman ang kinamusta ko. Mahiyain siya mukhang di niya na ako nakikilala. Sinabi ko kay Sander na doon muna kami sa Garden nila para magpahangin pero ang gusto ko talaga gawin ay ibigay na ang sobre.




Sa malamig na hangin na humahaplos sa balat ko ay lumalaban ang init ng katawan ni Sander na nakayakap sa likuran ko. Gabi na at ang liwanag ng buwan ay kay liwanag. Ang Garden nila Sander ang the best spot sa bahay nila dahil puro tanim ng Sunflower at Sampaguita. Mabuti na nga lang at hindi na ako masyadong naduduwal ng mga nakaraang araw.




"Sander." Panimula ko.



"Hmm?" Aniya.



Tinignan ko ang sobre sa kamay ko at inabot yun sakanya humiwalay na siya ng pagkakayakap sa akin. Nakangiti niya yung inabot at dahan-dahang kinalas ang ribbon na nakatali sa sobre ng buksan niya yun ay natigilan siya sa pagkuha ng laman sa loob siguro ay nakita niya agad ang picture.




Asteria Elin (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon