Chapter 19
Price
KINAUMAGAHAN ay nakangiti kaming pareho na nag-agahan sa maliit na restaurant ng Alix. Gazebo ang histura noon. Magkasalo kami sa pagkain at nag-order lang kami fried rice at egg. Nakangiti na sana akong kumakain, kaya lang ay nawala rin iyon nang banggitin niya ang bagay na iyon.
“Pagkatapos nito, dumaan na tayo sa registration booth no’ng contest,” maligaya niyang sabi pagkatapos niyang sumubo.
Kumunot ang noo ko habang umiiling. “Are you really into that, Athena?”
“Seryoso nga ako,” simple niyang sagot.
Napakamot ako sa batok at bumuga ng hangin. “Look, Athena. Marami naming activities ang resort na 'to bukod pa d’yan. We can join their physical contest,” pang-aalo ko.
Agad niya akong inirapan at bumalik sa pagsubo. “Ayoko. Gusto ko 'yon. Kaya, wala kang magagawa, Danger.”
Kaya nakasimangot akong naglalakad habang si Athena ay malapad ang ngiti na naglalakad. Naiinis talaga ako. Ano ba’ng mayro’n sa contest na iyon at gustong-gusto niya? 'Di niya ba alam ang ibig sabihin noon? Wala na 'kong magawa kundi sundin ang gusto niya. Sandali lang ang nilakad-lakad naming hanggang sa narating naming ang registration booth ng contest na iyon. Nakita ko ang dalawang babae na nakaupo sa table na natatakpan ng puting tela. Naalala kong magsisimula ang contest na iyon ng mga bandang alas-tres ng hapon kaya may panahon pa na mag-back-out.
Napansin ko rin ang ilang mag-asawa na nakakasabayan namin sa paglalakad na malamang ay sasali rin sa contest na ito. Lahat sila, masaya at mukhang iyong mga lalaking asawa pa ang nag-e-encourage na sumali sa contest. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan para sa amin ni Athena.
“Athena,” mahina kong tawag sa kaniya.
Lumingon siya nang may pagtataka. “Hmm.”
“L-lets…” nag-aalinlangan akong magsalita. “L-lets…”
“Danger,” bumuntong-hininga siya. “We’re here to enjoy. 'Wag mo 'tong masyadong seryosohin. I bet you, mag-e-enjoy ka,” nakangiti niyang sabi, saka hinigit ako.
Lihim akong nananihimik. Okay naman sana sa 'kin 'to, Athena, e. Gusto ko ring mag-enjoy kung ito ang gusto mo. Kaya lang ang problema, ang dami kong alam sa 'yo, pero sa 'kin, ni isa, wala kang alam. Wala akong nagawa noong naro’n na kami mismo sa registration booth. Agad na nilista ni Athena ang mga pangalan namin. Siya lang talaga ang masaya. Tss.
Pagkatapos noon ay napili namin ni Athena na mamasyal na muna, tapos, ay babalik ulit kami roon. Nagtungo kami sa mabatong lugar ng beach doon. Habang nagtatampisaw si Athena ay malalim naman ang isip kong pinapanood ang alon ng dagat. Kung puwede lang mapabago ang isip niya ay nagawa ko na. I have to set a plan. Baka naman ako lang ang tatanungin do’n at hindi siya kasali? Yes, alam ko, kapag mga ganitong laro ay lalaki ang kadalasang tinatanong ng mga ganito. Of course, I’ve known everything about my wife so the game doesn’t matter for me at all. But, as for Athena, I don’t know. Malaki raw ang premyo nitong laro. 2 way ticket to Barcelona, Spain. I can afford Barcelona, but I don’t know why Athena would want to persist this.
Dumating din ang hapon sa wakas. Doon naganap ang laro sa ginawa nilang center stage. Anim din kaming mag-aasawa na naroon. Ilan sa mga ito ay matatanda na at tingin ko ay matatag ang kanilang relasyon. I hope that we can be like them. Luminga-linga ako sa paligid. Marami-rami rin palang manonood sa 'min dito. Most of them are the guests and staffs of Alix. Mas nakakahiya 'pag natalo kami.
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)
General FictionIsa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito mapapabigyan ang kaniyang gusto dahil in the first place, sapilitan lamang niyang ipinakasal ito sa...