Chapter 7

36.3K 535 20
                                    

Chapter 7

Won’t Get You Away

 

Lumabas na ako ng kotse at paikot na tinungo ang front seat. Nang buksan ko iyon ay sumalubong sa akin ang malamig na tingin ni Athena. Hindi pa 'ko nakakapaglahad ng kamay sa kaniya ay walang salita siyang lumabas at nilagpasan ako.

Tinigisan ko ang aking panga. Akala mo, Athena, papayag ako na ganito tayo parati? Na sa harap ng maraming tao, ipapakita mong nandidiri ka sa 'kin? Ha! Sa ayaw at sa gusto ko, lalapit ako sa 'yo! Titiyakin kong hindi ka makakawala.

Tumakbo ako at hinabol siya. Nang nakapantay na ako sa kaniyang gilid ay bigla kong inangkla ang aking braso sa kaniyang baywang. Napakislot siyang bigla at halos napatalon sa ginawa ko. Ngunit hindi ako nagpatinag sa kaniyang reaksyon. Sa halip ay mas lalo ko pang hinigpitan sa kaniyang reaskyon. Sa halip ay mas lalo ko pang hinigpitan ang pag-angkla ko sa kaniya.

Tinapunan niya agd ako ng kaniyang matalas na tingin. “Stay away from me, Danger. Get. Lost,” mahinahon ngunit mariin niyang sikmat.

Piniga ng mga salita niya ang dibdib ko. Ngunit kagaya ng madalas kong ginagawa, pinalipas ko na lang.

“You shouldn’t say that to your husband, wife. Remember what I can do to you,” magkahalong pananakot at pagbabanta ko sa kaniya.

You are always pushing me to do this, Athena.

Natigilan siya at agad nanahimik. Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang panga, halatang nagpipigil sa galit. Hindi ko alam kung pa’no ko ipapakita ang paglalambing ko sa kaniya. Gusto kong burahin ang palagi niyang nakakunot na noo at galit na mukha tuwing nakikita niya ako. Pero sa sitwasyon namin ngayon? Kalokohan na lang ang lahat ng iniisip ko.

Nakarating din kami sa wakas sa main office nila, ang Bautista Law Firm. Madalas, bago pumunta sa factory si Athena ay nagre-report muna siya sa kaniyang ama ukol sa katayuan ng kanilang garments factory. Sa ngayon ay siya ang HR Staff ng garments nila at hawak niya ang Hiring at Employment’s Relation and Compliance niyon. Kailangan niyang gawin iyon para malaman ng kaniyang ama kung may problema ba sila sa manpower at kung ano-ano pa.

Nang bumukas ang automatic glass door ay pumasok na kami. Bumungad sa amin ang reception area at receiving area nila. Nakita namin ang mga empleyado na palakad paroon at parito. Kani-kaniya silang lakad noong una. Ngunit napapahinto sila kapag nakakasalubong nila kami.

Tahimik man sila ay napapansin ko ang kanilang mga mata na sinsundan kami ng tingin. Iyong iba na nasa malalayo palang ay hinahabaan ang kanilang mga leeg para lang mapagmasdan kami. We really caught the attention of their employees. Minsanan lang din kasi ako napapadaan dito dahil abala rin ako sa trabaho. Pero hindi nakakatakas sa akin kapag may ginagawang kalokohan si Athena. May matalik akong kaibigan na palihim na nagsusumbong sa akin nang hindi niya nalalaman.

Nang nasa elevator na kami, mga singhap at pagkamangha ang natanggap namin mula sa mga empleyado nila. Hanggang sa mapuno na kami sa loob ay ganoon pa rin ang kanilang mga reaksyon. I could sense in Athena’s reaction that she’s not happy with this. Pero imbes na pansinin ko iyon ay mas inalala ko kung maiipit siya. Nasa gilid kasi kami at napapansin kong naiipit ang makurba niyang katawan. Ang ginawa ko ay tinukod ko sa dingding ang mga kamay ko at kinulong ko sa aking bisig si Athena. Tagilid pa ang posisyon ko samantalang siya ay paharap. Biglang nanigas ang kaniyang katawan at lalo na nang naiipit ang kaniyang katawan sa mga bisig ko. At nang lingunin niya ako ay naglapit ang mga mukha namin. Parehas kaming natulala dahil sa posisyon namin.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon