A/N: Hi! Para po sa mga naghahanap ng I'm Sorry, My Wife sa Wattpad, nagpalit po 'ko ng username. From pennyrific to alia_xxx. You can see my stories from there. Thanks :)
-------------------------
Chapter 15
Only Yours
KAHIT na sabihin kong maayos na iyong nangyari kanina, hindi pa rin maiwasan na tumakbo ang boses ni Jess a utak ko. Iyong lahat ng sinabi n’ya, nakatatak pa rin sa 'kin. I admit that I have this fear in my whole damn system because I took the risk for Athena, but I want to pursue her still. I want to stand and fight for us, to hold in our marriage and to be together for a lifetime.
Pareho kaming walang pasok ni Athena kahit Sabado. Nagkataon kasi iyon ang araw na may rest day kaming pareho. Habang nagpapahinga kaming dalawa ay nag-isip ako ng mga bagay na puwede namin gawing pareho.
“Ah, Athena,”
Inangat niya ang tingin niya nang tawagin ko ang kaniyang pansin. Tinigil niya ang pagbabasa ng magazine at umayos siya ng upo.
Tumuwid ako ng tayo at bahagyang napahaplos sa batok ko. “Do you want to stroll around with me?” nagdadalawang-isip kong alok.
“Nope. Ayos na 'ko rito,” aniya.
“Ah,” naitugon ko.
Now, what? Ayoko naming maging unang boring ang unang araw na magkasundo kami. I have to do any move. Kahit na ano. Gusto ko iyong may pagkakaabalahan kaming dalawa.
Muli akong napahaplos sa batok ko, medyo nakayuko. “What do you want to eat later, my wife?”
Bahagya nang nakakunot ang noo niya. “Danger,” medyo natatawa siya. “Busog ako. 'Tsaka, ako na’ng bahala mamaya.”
Tumango-tango ako. “Uhm,” napahawak na 'ko sa braso ko. “Do you want to watch any movie or…”
Bigla akong natahimik dahil imbes na sagutin niya ako ay tahimik niya lang na nilapag sa tabi niya ang magazine na tungkol yata iyon sa pagluluto. Tumayo na siya at dumiretso sa entertainment set. Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang pagbukas niya ng glass door ng cabinet. Nangunot ang noo ko nang makita ang hinugot niya roon. Isa iyong bala ng
Tumayo na siya at bumaling sa 'kin. “Nakita ko 'to nang magkalkal ako. Let’s play this.”
HINDI ko akalain na nahanap niya iyong car racing game ko sa entertainment set. Papa’no niya iyon nalaman? I always played that before lalo na’t frustrated ako noon sa amin ni Athena. Itinago ko iyon dahil ayokong isipin niya na nagpapa-isip bata ako.
Napakurap na lang ako mula sa pagtataka nang makita kong tapos na pala niyang si-net-up ang joystick sa DVD player. Naglakad na siya patungo sa 'kin at tinabihan ako. Pinili naming umupo sa pula naming carpet. May kaunting distansya sa pagitan naming dalawa.
Nang mag-start na 'yong game ay tahimik kaming naglaro. Paminsan-minsan ay panakaw-nakaw ko siyang sinusulyapan. She’s really serious in playing it. Pinagmasdan ko kung pa’no kumibot-kibot ang labi niya at ang kaniyang mga mata habang titig na titig sa TV. I just appreciate the silenvce that is enveloping in us. Sana, palagi na lang na ganito. Sana.
“Here’s the catch,”
Napatingin ako sa kaniya nang magsalita siya. Tuon pa rin ang kaniyang tingin sa TV. “Kung sino man ang matalo sa 'ting dalawa, sasayaw siya ng “Papa Bear”. Okay?”
Nice mechanics. Pero, may mas naisip ako. Napangisi ako.
“Nope. Ayoko,” tanggi ko.
Naguguluhan niya 'kong tiningnan. “Ayaw mo?”
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)
General FictionIsa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito mapapabigyan ang kaniyang gusto dahil in the first place, sapilitan lamang niyang ipinakasal ito sa...