Alia's Note: I've read the comments from last updates. I just want to say na iyon na talaga ang story line ng I'm Sorry, My Wife. May mga nagsasabi na magulo. May mga nagsasabi na may epal. Kesyo, ganito, kesyo gan'yan. Let's face it, guys. Hindi fairytale ang ginagawa ko. It's just a touch of reality. Hindi talaga maiiwasan ang mga EPAL na iyon. Sa isang relasyon, kahit na ano'ng gawing ayos mo, kung ang tadhana ay may nilaan na pagsubok na maaaring magpahiwalay sa inyo, it's up to you kung magiging maayos kayo o hindi. Kung titibay ang relasyon n'yo, o, mawawasak. Maraming bagay ang puwedeng mag-test sa isang relasyon. Ang magiging injustice na d'yan ay kung may patayan, tapos nabuhay. O 'di kaya ay away, bati. Away, bati. Paulit-ulit nang walang kamatayan hanggang sa walang resolusyon. Parang teleserye ang peg.
If you don't like the story flow anymore, please, refrain yourself from reading. I am not pushing you all to finish it and keep you disappointed. My main goal of doing ISMW is to have another finish novel. Ang tagal na rin kasi simula noong nakatapos na ako ng istorya. Iyon lang.
Or, if you want to finish it, just hold on and trust me, guys :)
PS. Mahaba ang kuwento. Mga 60 Chapters. Mabagal lang talaga ang UD ko. Haha.
Chapter 32
Fucked Up
Mabilis ang aking paghinga habang tumatayo at nakatitig kay Will. Kumukuyom ang panga nito at matalim ang tingin sa akin. Kinuha ko ang aking balance sa pagtayo at inayos ang pagkakatingin sa kan'ya.
Huminga ako nang malalim. "Why did you punch me, William?" binubuka-buka ko ang aking bibig at hinaplos ang aking panga at bibig. Naramdaman ko ang hapdi gawa ng pumutok kong labi. Damn, Will!
"Why?" he looked at me, disbelief. Then he laughed out sarcastically. "You let Jessica fucking kiss you and you're going to ask me what is the fucking reason why?! Screw you, Danger!"
His anger bewildered me. It's the first time I saw Will outburst like that. Na tila ba ay may pinanghuhugutan ang galit niya sa lahat ng ito. Pero, ano?
"I don't understand," I spoke softly, looking at him, puzzled. Nalalasahan ko na ang dugo ko sa gilid ng aking bibig.
Tiningnan niya ako na iritang-irita na pakiramdam ko ay natatanga na ako sa lahat ng sinasabi niya. "Really?" umiling siya sa pagkainis. "Tang-ina, p're! Hindi ako makapaniwala na sa 'ting dalawa, ikaw pa ang magtatanga-tangahan ngayon! Si Danger, Jes! Si Jes! Humalik siya sa iyo, 'tapos, wala ka man lang gagawin o sasabihin sa kan'ya?! Alam mo ba talaga kung ano'ng ginawa niya?!" lumalabas na iyong ugat niya sa leeg. Kulang na lang ay puputok na iyon kung ipagpapatuloy niya ang pagsigaw.
Kumunot ang noo ko. "Ano ba'ng iniisip mo? That Jes was taking advantage of me? It's just a friendly kiss, William!" irita ko ring bulyaw.
Nagulantang ako sa biglaang niyang pagkuwelyo sa akin at marahas akong sinandal sa kotse ko. "Gago ka talaga! Wala ka man lang bang nahalata sa ginawa niya?! She still fucking loves you that's why she kissed you!"
Nanlaki ang mga mata ko at natulala. We are both panting but his eyes were in blaze.
"That's impossible," tanging namutawi sa aking bibig.
He smirked. "Sana nga, gano'n lang. But she still has feelings for you." I don't know, but I sensed bitterness in his voice.
No. She told me earlier that she's cool now with us. "How do you know?" tanong ko, nakapirmi pa rin ang mga tingin sa mata niya.
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)
General FictionIsa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito mapapabigyan ang kaniyang gusto dahil in the first place, sapilitan lamang niyang ipinakasal ito sa...