Chapter 37

27.6K 447 47
                                    

Chapter 37
Wasting Your Time

Nang pumasok na ako sa loob ng Emergency Room ay naabutan kong si Athena na bumabangon mula sa pagkakahiga. Inaalalayan siya ng nurse na nasa gilid naman niya. Lumapit agad ako sa kama nito at tinulungan din siya. Bakas sa mukha nito ang panghihina at pagod. Isinandal namin siya sa headboard. Itinaas ni Athena ang kamay at tiningnan ako.

"Ano'ng nangyari?" mahina ang tono ng kan'yang boses.

Pinaalis ko muna ang nurse na tumitingin sa kan'ya. Nang makita ko ang pagsarado ng pinto ay hinarap ko ang aking asawa.

"Athena, how's your feeling?" tanong ko at umupo sa gilid niya.

"I'm...okay," aniya. Bigla niyang kinapa ang kan'yang tiyan. "You didn't answer me. What happened?"

Napalunok ako at kinuyom ang aking kamay para pigilan ang panginginig ng aking boses. "Athena, you were bump by a car." hinawakan ko ang kan'yang kamay at pinisil iyon. "You were rushed in the hospital. Thank God that nothing happened to you."

Hindi niya tinigil ang pagkapa sa tiyan. "B-ba't may nararamdaman akong...tahi? A-ano'ng nangyari sa...baby ko?"

Piniga ang puso ko. That's my baby also, Athena. Our baby.

"He didn't survive, Athena. He didnt't survive." labis ang lungkot ko siyang pinagmasdan.

Napasinghap siya nang todo sa sinabi ko. Lumaki ang kan'yang mga mata na halatang nabigla sa sinabi kong rebelasyon. Nakita kong bigla siyang nanginig at umiling namg maraming beses.

"No...No...Impossible. I told you to save my baby, right? It means you did everything." Hinawakan niya nang mahigpit ang damit ko. Tiningnan ko ang mahal kong asawa. Nadudurog lalo ang puso ko nang makita ko ang pighati sa mga mata niya. Hindi ako makasagot.

Humigpit lalo ang pagkakahawak niya. "Sagutin mo 'ko, Danger!"

Napapikit ako sa taas ng boses ni Athena. Diyos ko, tulungan mo po kami. Nagmulat ako at tiningnan si Athena. Kinagat ko nang mariin ang labi kong nanginginig. "I'm sorry, my wife."

"HINDI TOTOO IYANG SINASABI MO!" Napaatras ako sa bigla niyang pagtulak sa akin. Umagos na lahat ang mga luha na kanina niyang pinipigilan.

"I TOLD YOU TO SAVE MY CHILD. I'VE TRUSTED YOU, MONTECILLO. PERO, INUBOS MO NA ANG NATITIRANG TIWALA KO SA 'YO!"

Tila ba ay puputok na ang ugat niya sa leeg sa tindi ng kan'yang sigaw.

Sinubukan kong makalapit. "Athena..."

"Danger, I trusted you," humikhikbi niyang sabi. "I trusted you kahit na marami akong nakalap na impormasyon ukol sa pagsasama n'yo ng babae mo. Nagtiwala ako sa 'yo kahit na alam kong may ginagawa kang mali. Kasi mahal kita. But you failed me, Danger. AND YOU FAILED ME EVEN MORE! PINATAY MO ANG ANAK KO! YOU KILLED MY CHILD, DANGER!"

Unti-unti akong pinapatay sa mga sinasabi niya. "Athena, please, stop saying that. Alam kong nabubulag ka lang sa galit mo. I didn't killed our child. It was not my intention for this to be happened. And believe me,wala talaga kaming relasyon ni Jes," gusto ko mang bigyan iyon ng diin ay wala na akong lakas.

"Gan'yan din ang sinabi ko sa iyo tungkol sa hindi matapos-tapos na pagseselos kay Andrew. Tingin ko ay napagtanto mo na wala kaming relasyon, tama? You realized it when my baby is gone! Do you think this would happen if you just let me explain, huh, Danger?" mapanghamon niya akong tiningnan.

Kinuyom ko ang aking kamao. Its my fault in the end. If only I trusted Athena the way she trusted me, hindi mawawala ang anak namin.

Hinaplos niya ulit ang kan'yang tiyan. "I didn't tell tou that I'm carrying your child 'coz I want to surpise you. Pero...ako pala ang nasorpresa, tang-ina."

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon