Chapter 11
Teach Myself
Nakakatawa. Ang sabi ko, hindi ko isusuko ang relasyon namin ni Athena, pero ngayon, ako rin pala ang unang bumitaw. Siguro, umabot na rin ako sa hangganan. Nasaid na niya lahat ang pasensiya ko. I was almost there at the end of the tunnel, expecting that she’ll be with me. But it went out that I got tired of the chase because of the pain, so, I decided to stop running to the end and turned back to the place where I started.
Gano’n naman talaga. Hindi lahat ng giyera ay kaya mong ilaban. Aabot ka rin sa puntong kung wala na talaga, matuto ka na lang tumanggap na matatalo ka. Kahit na alam mong malaki ang pag-asa mo, na kaya mo pa, hahantong din sa puntong kailangan mo ring magtira para sa sarili mo. Hindi rin lahat ay kaya mong iwasan ang mga armas na binabato sa iyo ng kalaban. May mga panahon na kaya mo pang salagin ang lahat, kaya mong iharang ang pangggalang mo para hindi ka matatamaan niyon. Ngunit darating din ang oras na mauubos din ang lahat ng mga hinanda mo sa giyera at matatamaan ka rin. Sasaluhin mo ang lahat ng hapdi, at masusugatan nang sobra. And if you’re wounded, its now the time that you should need to raise the white flag and accept that you’re defeated.
And my battle has finally come to its end. Sinagad na 'ko ni Athena. Nang napuno na 'ko sa paulit-ulit niyang sabi na wala nang pag-asa na maaayos ang pagsasama namin. Ang gusto ko lang naman na mangyari noong araw na iyon ay mai-celebrate namin ni Athena nang magkasama ang birthday niya. 'Yon lang. But even in her most special day, she still wants his man.
Madalas kong itanong kung ano pa ba’ng kulang sa lahat ng ginagawa ko para pumasa kay Athena, kaya lang, wala akong maisip sa mga ginawa ko na maaari niyang kaayawan. She wants me to bend down on my knees and beg for her love? Ginawa ko na iyon. Pero, wala pa rin. Ayoko nang isa-isahin pa ang mga bagay na iyon dahil wala na ring kuwenta.
Ngayon ay napagdesisyunan ko na. I have to stop myself to stop thinking about her. Nagsimula iyon kinabukasan pagkatapos naming mag-away. Gumising ako isang oras na nagigising si Athena. Alas-otso pa kasi ang pasok noon, karaniwang oras ng pagpasok sa opisina. Ako naman ay ganoon din, kaya lang, dahil sa nangyari, kailangan ko nang lumayo sa asawa ko. Kailangan ko nang panindigan kung ano ang pinagsasabi ko nang gabi na iyon.
Bumaba na 'ko galing kuwarto. At nang igala ko ang paningin ko, bakas pa rin ang nangyari kagabi. Ngumisi ako nang mapait. I shouldn’t look at it. Hindi ito nakakatulong. Kaya dumiretso na 'ko ng lakad papuntang pintuan. Pero hindi pa 'ko lumilingon ay lumipad naman ang tingin ko sa kusina. Athena will be hungry once that she’s awake. I must prepare her food.
Stop it, Danger! Ang bilis mo namang lumambot! Itigil mo na nga ang pag-aalala mo sa asawa mo!
Nagpakawala na lang ako ng isang mabigat na hininga. This is a hard move, but I should keep going. Iyon ang naging simula ng pagiging workaholic ko. Panay ang overtime ko para lang makaiwas kay Athena. Marami akong appointments na dinaluhan. Masyado kong tinuon ang sarili ko sa mas lumalaking production at sales ng kompanya. Kapag natagalan ako sa trabaho, umuuwi na lang ako sa condo ko 'di kalayuan sa DJM. Kaya, ang naging ikot ng buhay ko ay trabaho at bahay. Iyon lang.
“Dude, have a break of yourself. Mukha ka nang haggard sa histura mong 'yan, e.”
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)
General FictionIsa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito mapapabigyan ang kaniyang gusto dahil in the first place, sapilitan lamang niyang ipinakasal ito sa...