Chapter 22

27.1K 438 4
                                    

Chapter 22

Dad

Gusto kong murahin nang maraming beses ang sarili ko. Bakit hindi ko man lang naisip na posibleng marinig ni Athena ang bagay na iyon? Ang tagal naming tinago iyon ni Alfonso dahil alam ko kung ga'no kamahal ni Athena ang Dad niya. And if she’ll damn know what’s behind of these, she’ll loathe her father to death!

Kitang-kita sa mga mata ni Athena ang kagustuhan niyang makuha ang sagot. Rinig ko ang mabibigat nilang paghinga. Tahimik pa rin si Dad, malalim na nag-iisip. Gusto ko mang gumawa ng aksyon upang mapakalma ang siwasyon ay mukhang malabo iyong mangyari.

“Ano, Dad, wala ka bang sasabihin?” malamig na untag ni Athena. I want to hug you, Athena, but I can't 'coz I know that it won't help. 'Coz I know that it won’t ease the pain. I hope that after this, you’ll be able to forgive us. You’ll forgive me, my wife.

Humugot ng malalim na hininga si Dad at tiningnan nang seryoso si Athena. “Athena, before I’ll say anything, I want you to know that I love you so much. Your father loves you so much---”

“Stop sugar-coating your words, Dad!” naasar nang wika ni Athena. Napapikit ako. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito.

Napalunok si Dad, saka bumaga ng hangin. “N-naalala mo ba 'yung mga panahon na lumugi na ang negosyo natin dahil sa katangahan ko?”

Walang imik n'yang pinapanood ang kan'yang ama. “Masyado akong na-pressure sa lahat ng ginawa kong kasalanan. Nang dahil sa nagpakampante ako, hindi ko na naisip na gano'n na pala ang mangyayari. Wala talaga akong kuwentang ama at alam ko iyon.” Napangiti siya nang mapait. “Naging pabaya ako. Huli ko nang naisip iyong mga nagawa ko no'ng umpisa nang nagsipagbagsakan at mawala ang negosyo na pinaghirapan ng pamilya natin. H-hindi ko na alam ang tamang gagawin no'n. Baliw na baliw at problemado na 'ko sa kakaisip ng paraan. Lumapit pa 'ko kay Don Domingo. Ang laki ng tiwala ko, kaso, sinira ko rin. Nilustay ko rin sa Casino ang hiniram ko sa kan'yang pera. Dahil sobrang frustrated na 'ko sa lahat ng nangyayari sa atin, madalas pa ang away namin, nagawa ko 'yun. Shit.” Napaiwas siya ng tingin sa 'min, halata na hirap siyang ikuwento kung ano nga ba talaga ang nangyari.

“Kaya ba pinakasal n'yo 'ko kay Danger, gano’n ba? Para mabayaran n'yo ang pagkakautang n'yo sa ama niya, ako ang ginawa n'yong kapalit, ha? Gano'n ba?” may bahid ng muhi sa tanong niya.

“No, Athena,” mabilis niyang tanggi, umiiling. “Danger has nothing to do with this.” Sumulyap sa 'kin si Alfonso. “He actually helped you. It’s me who pushed you to this life. It’s me,” nanghina ang kan'yang boses. Napansin ko ang pagkislap ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. “H-hindi ko akalain na may mas ilulugmok pa ang pagkakautang natin sa negosyo. Ang hayop na si Tan,” his breathing became sharpen. “ginipit n'ya 'ko. Dahil sa laki ng itinalo ko sa kan'ya sa Casino, siningil n'ya tayo nang malaki. Kung ipapambayad ko pa 'yung natitira nating pera, kulang pa rin iyon sa kabayaran ko sa kan'ya. Sinabi niya na makakapagbayad lang tayo kapag…” bigla niyang iniwas sa 'min ang tingin. Napansin ko ang pagpahid niya sa kaniyang pisngi. He clenched his fist, shaking and his jaw was shaking, too.

“What, Dad?” Napatingin ako kay Athena na nangingilid na ang mga luha. My heart squeezed just by seeing her like this. Fuck! Wala ba talaga akong magagawa?!

“Kapag pinakasal kita sa kan'ya…”

Shit! Nanlaki ang mga mata ni Athena nang marinig iyon sa Dad niya at natulala. Unti-unti kong nakikita sa mga mata niya ang paglamon ng matinding sakit, galit at pagtataka. Tingin ko, nababasa na niya ang patutunguhan ng lahat ng 'to. Shit! Wala akong magawa.  Wala talaga akong magawa kundi ang panoorin ang mahal ko na unti-unting nadudurog dahil sa mga nalalaman niya at nakakatang-ina!

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon