PS. Sa mga nakabasa na nito, may in-edit lang ako. Haha. Salamat.
Chapter 33
Huli Na Ito
Ilang beses ko nang sinubukan na tawagan si Athena sa Skype, ngunit, hindi niya sinasagot ang aking mga tawag. Everytime she does that, I feel so hopeless. Nagiging mailap na naman siya sa akin katulad noon at hindi ko iyon matanggap. Sana talaga ay matapos na ang problema ko sa Belford.
Hinayaan ko muna siya na pahupain ang galit sa kan'yang sistema. Matapos lang talaga itong problema ko sa proposal ay hindi na ako magtatagal dito sa Amerika. Pagkatapos ng mahabang preparasyon ay nagpresinta akong muli sa Belford. Naroon pa rin ang kaba at ligalig na dala-dala ko sa aking dibdib. Tiniyak kong sa pagkakataong ito ay mapapayag ko na sila.
Pagkatapos kong ipaliwanag ang kabuuan ng aking presentation ay binalot ng matinding katahimikan ang apat na sulok ng Meeting Room. Matagal din silang nanahimik. Pakiramdam ko tuloy, habang tumatagal, lalong sumisikip ang kuwartong ito. Damn, I felt like it's the longest day of my life!
"I can say that there's a lot of changes in your proposal," anang noong lalaki na may kulay asul na mga mata. Ganoon pa rin ang awra nito. Matikas at may awtoridad. "And there's an improvement, I must say," dagdag pa niya.
"So..." Nanginig bigla ang dating ng boses ko, "how is it, Sir Wade? What's your opinion about it?"
"I like the proposal, Wade. The ideas are fresh. I think he didn't well-presented the proposal before because he felt pressured. Let's give him the benefit of the doubt," saad naman ng lalaking maputi na ang buhok maging ang bigote at balbas. He's very fat.
The other two did agree on what the big man just said. Nakita kong pinasadahan muli ng tingin ni Sir Wade ang proposal ko.
"Alright," he said with finality, "Congratulations, Mr. Montecillo. We are now confidently be a partner to your company. Just wait for the contract." Tumayo na ito at diresto ang mga kamay na nilahad sa akin. Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap iyon.
Damn! Finally! The man was now said yes with our company! My proposal is now successful!
Ki-non-gratulate ako ng mga tao roon kinalauanan. Marami rin akong nakilala na mga tao sa Sales at Operations ng Belford. They were giving me a warm congratulate. Now, I can see a brighter future for DJM. I should tell it to Athena!
My heart sank because of the thought. Hindi nga pala kami maayos ni Athena ngayon. Pero, dahil na rin sa magandang balita na hatid ng Belford, malapit na akong makauwi! Kinahapunan, agad akong nagbukas ng Skype, only to see if she's online. But she's not, again. Nangangamba na ako sa pagiging malamig niya. Ngunit kaunting tiis na lang. alam kong nagtatampo lang si Athena. Babawi ako pagkabalik ko.
Isang mensahe na lang ang iniwan ko sa kan'yang profile.
To Athena:
Athena, 'wag ka nang magalit. I'll fix this once I get back to you. I hope you'll listen to me, by this time. I have to confess something to you. It's not the right time, 'coz I know you're mad. But please, forgive me. I love you. So much.
Eksakto noong nag-send ako noon ng mensahe ay nakatanggap naman ako ng text kay Ezekiel.
From Ezekiel:
Bro, this goes for a celebration! Haha. Let's meet at the Style. Marami akong inimbita. Paparty mo na rin 'to dahil pauwi ka na sa 'Pinas.
I suddenly smiled. Lokong iyon, ah? Inunahan pa ako. Tumungo ako ng The Style kinagabihan. Hindi naman ako nahirapan na hanapin sina Ezekiel dahil nandoon sila sa isang sulok. Nakaupo sila nang pabilog sa sofa. Naroon din sina Vlad, Irwin. Nawala man doon si Arnold, isang malaking pagkabigla naman ang dumapo sa sistema ko. Nandito si Travis Garcia?!
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)
General FictionIsa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito mapapabigyan ang kaniyang gusto dahil in the first place, sapilitan lamang niyang ipinakasal ito sa...