Chapter 23

29.8K 531 13
                                    

A/N: This is the first and last time that I'm going to rant something in terms of my updates. For first and foremost, hindi na po ako madalas mag-update due to my working schedule and I don't have my laptop now kasi po sira na. Wala pa po akong time na magpaggawa. Besides, I have some issues to settle. Kaya po, madalang lang ang update ko. Nakakapag-update po ako sa abot ng makakaya ko, so bear with it. Patience is always a virtue, guys, so don't forget that. I have my own life outside writing. H'wag n'yo naman pong ipagdamot iyon. Bukod pa ro'n, nagagawa ko naman po na makapag-update ng at least 2-3 UD's per month. Mind you, no'ng college years ko, dahil wala na po akong time na makapag-update no'n, nakaka-abot ako ng almost 2 months bago mag-update ng Casanova's Fall (for those people who keep on asking if I am the owner and writer of the story, yes, I am). So, it's a move for me na kahit papa'no ay nakakapag-update ako ng ISMW nang mabilis kahit papa'no.

Nawawalan na po ba kayo ng excitement and thrill dahil sa bagal kong mag-update? Like you, guys, I'm a reader, too. And before I am making my own stories, I read lots and lots to build up a new plot. Naghihintay ako kagaya ninyo, kaya, hindi kayo nag-iisa. Haha. So, I wait. Kahit ga'no pa 'yan katagal, basta mahal ko 'yung istorya at iyong author, I can wait.

Salamat po sa mga taong nagtitiyaga na maghintay ng istoryang ito. Don't worry, malapit na tayo sa gitna. At kapag nasa gitna na, mas exciting. Haha. I always like things in between just like Coreen. Haha.

Okay, enjoy the update!

- A.

------------

Chapter 23

Hindi Na Ako

I clearly remembered those events until now. Pagkatapos na pumayag ni Dad sa aking kagustuhan ay sinimulan ko na ang planong naisip ko.

"Have you ready all the papers?" tanong k okay Geronimo na nasa tabi ko na naka-itim na coat. Good thing that he's at my side. Magaling talaga siya at maasahan.

"Yes, Sir," mabilis niyang sagot.

Huminto na ako nang nasa tapat na kami ng conference room. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sinenyasan si Geronimo na puwede na niyang buksan ang double sided doors. Nang nakapasok na kami ay nakita ko agad ang mabilis na pagtayo nbang tuwid ni Tan. Agad na napansin ko sa sa kaniya ang malaking umbok ng kaniyang tiyan at kaniyang panot na ulo. Inayos niya ang kaniyang necktie. Looks like he prepared himself also. Dumiretso na agad ako ng lakad kasabay parin si Geronimo sa likod ko. Tumungo kami sa kabilang parte ng circular executive table. Nang naro'n na kami ay mabilis siyang yumukod nang bahagya at naglahad ng isang kamay.

"Good morning, Mr. Montecillo," magiliw niyang bati. "Hindi ko akalain na ang napakaguwapong anak ni Don Domingo ang ipinadala niya rito," halakhak ng panot na si Tan. Dahil singkit ang kan'yang mga mata ay halos mawala na ang puti niyon na parang wala na siyang mga mata. Tingnan ko lang kung makakatawa ka pa mamaya.

Sa halip na tanggapin ko ang kan'yang mga kamay ay nagsalita ako agad, "I don't want to go around the bush, Mr. Tan," malamig ko siyang tiningnan. Pinatatag ko ang aking hitsura sa kaniyang harapan at hindi nagpakita ng kahit na anong reaksyon. I want to feel this motherfucker that I want to rip his face.

"Geronimo," tawag ko sa kaniya na lumapit din agad. "Where are the proposal and the contract?"

Agad na kinuha ni Geronimo sa dala niyang itim na briefcase ang kontrata na tinutukoy ko at inabot iyon sa 'kin. Hindi pa rin ako umuupo maging si Geronimo. Nang makita naman ni Tan na nasa kamay ko na ang kontrata ay kumislap bigla ang kan'yang mga mata.

"Ah, I think if we can have a sit right now so that we can talk about my proposal." Plastik siyang ngumiti. Iminuwestra niya ang upuan sa gilid namin.

I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon