Chapter 39Unang Bibitaw
Katawan ko na ang kusang gumalaw para sa akin. Tuluyan kong nilagpasan si Aling Carmen at pumasok sa hardin ng mga Bautista. Buti naman at hindi niya ako pinigilan, dahil hindi rin naman ako papapigil.
Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ko, nanginginig ang mga kalamnan sa galit. Napahinto ako agad nang makita kong lumabas ang ina ni Athena. Bago pa ito lumabas ay narinig ko nang tinatawag niya si Aling Carmen. Natigil lang siya noong nakita niya ako.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pagalit niyang tanong, nakataas ang kilay.
"Nasa'n po si Athena?" Pinilit kong maging malumanay ang tanong kahit na gusto kong taasan ang boses ko.
Humalukipkip siya at pinaningkitan ako ng kan'yang mga bilugan na mata. "Para saan pa at kailangan mo pang itanong 'yan, Danger? Hindi mo na dapat hanapin pa ang anak ko dahil mawawalan na kayo ng ugnayan---"
"ANG SABI KO PO, NASAAN NA ANG ASAWA KO?!" Wala na. Hindi ko kaya sa panahon na 'to na maging mahinahon. Ang gusto ko ay kausapin ko ang asawa ko. Ngayon!
Kita ko ang pagkabigla sa hitsura ni Mom. Nang makahuma ay madrama siyang napailing. "Suskoporsanto, hindi talaga ako makapaniwala na IKAW ang pinili ng anak ko. Mabuti na lang at nagising na rin si Athena sa katotohanan na wala siyang mapapala sa kagaya mo."
Dinaan ko sa paglunok ang paglimot sa paghuhuramentado niya. Natural lang talaga na maging ganito ang kan'yang reaksyon dahil nasaktan ko ang anak niya. Batid ko na kaya ganito ang pakikitungo niya sa akin dahil pinoprotektahan niya si Athena.
Kagaya ng parati kong ginagawa, humingi ako ng tawad kay Mom. "I'm sorry, Mom, sa inasal ko. Pakiusap ko lang po na sabihin n'yo kung nasa'n na si Athena. Mom, mahal na mahal ko po ang anak n'yo, maniwala kayo."
Inismiran niya ako. "Mahal." Natawa siya nang pagak. "Kung mahal mo ang anak ko, hindi ka na dapat gumawa ng bagay na alam mong makikipaghiwalay sa inyo sa dulo. Buo na ang desisyon niya, Danger. Itigil mo na ang kapangahasan mo na itigil ang gagawin niya. Tama na."
Nakaramdam ako ng pamumutla dahil sa huli niyang sabi. Buo na? Buo na talaga ang desisyon ni Athena? Fuck!
Sa gitna ng pakikipag-usap namin ni Mom ay napatanga ako nang marinig kong umaalingawngaw ang boses ng babaeng nagpapadurog ngayon ng pagkatao ko.
"Mom, handa na ang gamit---?"
Kagaya ko ay bigla ring natigilan si Athena sa pintuan ng kanilang bahay. Nasa harap niya ang Mom niya na ngayon ay binalingan siya. Napako lang ang mga mata namin sa isa't-isa. Nilubos ko ang paninitig sa babaeng kaya akong wasakin nang pira-piraso. Kagaya ng noon ko siya unang nakita, alam kong medyo maalon ang dulo ng kan'yang buhok kahit nasa likod niya iyon. Matalas pa rin ang kan'yang mga mata, na mababasa mo na may katarayan siya, na ang sarap tunawin sa pamamagitan ng paglalambing. Hindi na niya kailangan pang maglagay ng lipstick dahil mapula ang labi niya. At sa payat niyang katawan, nakakapangamba na yakapin mo siya nang mahigpit dahil pakiramdam ko, mababali ang mga buto niya.
Naputol ang tagal ng paninitig namin sa isa't-isa nang magsalita si Mom. "Athena! Pumasok ka na sa loob! You don't need to see this man!"
"Stop it, Mom." Nakita kong namasa ang mga mata ni Athena. Kumurot ang puso ko. "Let me talk to him first for one last time."
One last time, Athena?
Pinandilatan ng Mom ni Athena si Athena. Ito rin ang sumuko aa bandang huli dahil hindi nagpatinag si Athena sa kan'yang ina.
Bumuga ng hangin si Mom at napailing sa pagka-disgusto. "Ah! Bahala nga kayo!" Naiirita niyang sabi, ginulo ang buhok. Padabog niya kaming nilisan nina Athena.
BINABASA MO ANG
I'm Sorry, My Wife (Montecillo Series # 1)
General FictionIsa lang naman ang hiling ni Danger Jeremiah Montecillo. At iyon ay mahalin siya pabalik ng kaniyang mahal na asawa. Subalit alam niya na hindi nito mapapabigyan ang kaniyang gusto dahil in the first place, sapilitan lamang niyang ipinakasal ito sa...