Chapter 23: He's a nurse

111 8 0
                                    

Chapter 23

Junella's POV.

Nagising ako sa sikat ng araw. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang kwarto ko.
Huh? Paano ako naka--

Teka? Ano bang nangyare kahapon?

Naiwan ako sa school, may multo, umulan, nakita ko si Louie, nakatulog ako? Ano yun? Inuwi niya ako sa bahay?

Tinry ko tumayo sa pagkahiga ko.
Aray! Ang sakit ng ulo ko! Ang sakiit!

Hinipo ko ang leeg ko at halos mapasigaw ako sa init! Pwew! Bakit ang init ko!? Nilalagnat pa ata ako! Tinignan ko ang clock ko sa nightstand ko kung anong oras na.

7:45 am?!?! O_____O

What the! Late na late na akoo!!!!!!!
Haluuh kailangan ko na makapasok! Yung formula kailangan ko ipasa!

Tinry ko tumayo pero natumba lang ako sa sahig.Shet! Sobrang sakit ng ulo ko! Aww!!! Araayy ang sakit! Hindi ako makatayu! Shete naman!

Ay ang oa ko naman. Pero ansakit

"Junella..."

"Junella!!" pamilyar boses niya pero dahil sa sobrang sakit ng ulo ko, hindi na ako nakalingon para makita kung sino yun.

Basta ang alam ko lang, tinulungan niya ako makabalik sa kama ko. "Thank you" nanghihinang sabi ko.

Ang init!! Aaaahhhhh. "Hey, you okay?" nagulat ako pagharap ko dahil nakita ko si Louie

Siya na naman? "Ah.. Ano ah oo okay lang ako! Bakit andito ka? Nasa school ka dapat diba? Ay saglitkailangan ko pumasok!!" sabi ko at nagpumilit na tumayo

"No junella wag kang tumayo." sabi niya

"Hindi kailangan kong mapa--" tinry ko ulit tumayo kaso humarang si Louie kaya na out of balance kaming dalawa

"WAAAAAAAAAHHHH!!!!" sigaw ko

Ayan! Nakapatong tuloy ako sakanya!
Hinarang ko ang dalawang kamay ko sa mukha ko bago pa man magdikit ang ano... Ang you know!

Maya maya tinanggal ko ang kamay ko sa mukha at gusto kong sampalin ang sarili ko sa pagtanggal ng kamay. Sobrang lapit ng mukha namin. Mas malapit pa nung sa hallway. Yung diba! Yung slave daw nya ako chuchu!

Alam kong nararamdaman na niya ang mainit kong hininga dahil may lagnat ako.
"Nagustuhan mo na ba ang posisyon natin kaya wala ka nang balak tumayo jan?" sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.

Tsk! Nakakainis naman to! Tinry ko tumayo ng mabagal dahil ang sakit talaga ng ulo ko

Pagkatayo ko, agad akong umupo sa kama ko. "Sabi ko naman kasi sayo wag ka nang tumayo eh" sabi niya. Napairap naman ako.

"Oh ano? Ikaw na nga jan yung tinutulungan tapos susungitan mo pa ako." sabi niya at tumayo.

"H-ha? Sino ba kasi nagsabing tulungan mo ako?" Sabi ko

"Okey. Ayaw mo di wag." sabi niya at akmang lalabas na..

"WAG!" sabi ko.

Lumingon naman siyang nakangisi! Tsk

"A-Asan si mama?" tanong ko

"Wala. Umalis. Naggrocery. Kaya ibibilin ka niya sa akin." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ano !? Si mama!? Binilin ako kay Jerk-- este Louie!?!

Paano na lang kung magnanakaw pala to? Kung rapist? Kung may balak na masama or what!??!

"Hindi kita gagawan ng masama. Aalagaan lang naman kita kaya stop thinking crazy things." he said. Reading my mind.

L and J [Loser and Jerk] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon