Chapter 48
Almost end :(. Ano kayang mangyayari kay Louie at Junella? Naeexcite ako hihi! I'm typing this at 1:06 am. Mas gumagana kasi utak ko pagganitong oras hehe
//
"Xander, umayos kang ugok ka. Alagaan mo yang si Junella ha! Panira ka kasi bwiset." inis na paalala ni Louie kay Junella na ngayon ay nasa sasakyan na ni Xander
"Don't worry. Ako bahala ;)" nakangising sagot ni Xander. Binigyan naman siya ng matalim na tingin ni Louie
"Oo na! Napakapossessive ampucha! Alis na kame. Kita na lang sa seven ako na maghahatid." tumango na lang si Louie. Pumasok na si Xander sa kotse niya
"Bahay niyo tayo Junellsss nyehehe" tumango na lang si Junella sa sinabi ni Xander. Mabilis lang silang nakarating dun dahil malapit lang naman ito sa Kingston
"Oyy dudee! Nandito ka pala?" bunad ni Xander ng makita niya si Gab na nasa sala. Dito muna siya nagstay
"Yo! Oo. Bakit ka kasama ni Junie?" tanong ni Gab. Nilapag naman ni Junella ang mga librong hawak niya sa Center Table
"Research dude" ani Xander. Naintindihan ito ni Gab kaya pumasok muna ito sa kwarto para bigyan ng tahimik na oras ang dalawa para makapagfocus
"Junellsss matatapos ba natin lahat lahat ngayong araw?" tanong ni Xander at umupo. Nagsimula siyang buksan ang libro. Hindi naman talaga siya interesado sa research ngunit si Junella ang nakapartner niya kaya nagseryoso siya
"Depende. Pero siguro hindi. Mahaba ang research na to. Magaaral din ako para sa Physics kaya hindi rin siguro." sabi ni Junella at binuksan ang laptop ni Xander
"Simulan na natin?" Ani Junella. Tumango si Xander at nakicooperate. Hindi nga makapaniwala si Junella na kaya din pala magseryoso netong lalaking 'to.
"Ahh.. Xander?" biglang nagangat ng tingin si Xander sa tumawag na si Junella. Tinaas niya ang kilay niya
"Ano yung sinabi mo kanina? N-na.. Hindi mo ako dadalhin sa condo katulad ng ginagawa ni Louie? Anong ginagawa ni Louie?" tumigil sa pagttype si Xander at natawa
"Louie used to be like that. Magdadala siya ng babae sa condo tapos lalandiin niya. Gawain ko din 'yon. Pero mas malala naman 'yung g*gong yun" natatawang sabi ni Xander.
Umiling si Junella. "Okay."
"Bakit? Selos ka? Wii Junells talaga." sabi nito at lumapit kay Junella para basahin yung hawak nitong libro. "Baliw ka, Xander."
"Too close, Xander." nagulat silang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan at bumungad si Louie na may dalang flowers, at isang box ng pizza
"Wow! Manliligaw Package! Penge pizza meh." tumakbo agad si Xander papunta kay Louie at inagaw ang isang box na pizza
"For you, Junella." binigay ni Louie ang bouquet ng flowers kay Junella. Ngumiti ito. "Thank you. Nagabala ka pa. Nasimulan mo na research?"
"Yeah. Tinamad na ko. Si Kean pa kapartner ko puro text kay ate. Nakakasuka." tinignan siya ni Xander na ngayon ay may dalawang pizza sa kamay. Isang hawaiian at pepperoni
"Weh, ganyan ka din kay Junella wushu." Ani Xander. Binato naman siya ng crumpled na papel ni Louie. "Manahimik ka."
"Sige na Louie! Alis ka na shupe. Distraction ka samin. Salamat sa pizza. Pero bye na wuuuuh" sabi ni Xander. Sinamaan naman siya ng tingin ni Louie
"Sorry uli Junella. Sige pagpatuloy niyo na ginagawa niyo dito lang ako. I miss you kasi." sabi ni Louie at tumabi kay Junella. Tumango na lang si Junella at pimagpatuloy nila ang ginagawa nila.
Lumipas ang thirty minutes. Nagunat si Xander. "Haaay leche. Pagod na ko bukas na lang Junells! Magse-7 na din."
"Ako maghahatid kay Junella." singit ni Louie. Uminom naman ng Juice si Xander.
"Tara na." Ani Junella matapos niyang ayusin ang gamit nilang nakakalat. Pumunta na nga sila sa Club 7. And as usual, nangyari na ang always routine ni Junella na kumanta.
**
Kinabukasan...
"Junella Goodmorning!" bungad ni Xander kay Junella. Nginitian siya nito
"Goodmorning din, Xander. Lakas ng trip mo ah? Saya ata natin ngayon?"
"Wala lang. Hehe kumain ka na?" nawiwierduhan si Junella sa inaasta ni Xander pero binabaliwala lang niya
"Oo." sabi nito.
"Hoy Xander. Gags ka ha. Inunahan mo ko maggreet. Tch." bumungad si Louie at humarap kay Junella
"Goodmorning, beautiful." greet nito. Inirapan naman siya ni Xander at bumulong "Mr. Jellyfish."
"Goodmorning Louie." bati pabalik ni Junella. Ngumiti naman si Louie at tinanong siya. "Kamusta tulog mo?"
"Okay lang. Maayos naman." tumango tango si Louie
"Good then."
Maya maya ay nagbell na. Hudyat ng simula ng first class nila. Nakinig lang sila. Lalo na si Junella na focus na focus dahil talagang seryoso siya sa Academics niya. Ayaw niyang bumaba dahil scholar lang siya
*kring!
Natapos ang first subject. Dumaan din ang second subject at ngayon ay recess na. Nagcr si Junella bago magbell kaya hindi na siya bumalik sa classroom dahil break time na din naman.
Naglalakad siya sa hallway ng makasalubong niya si Gab. "Hi kuya Gab." bati nito. Nginitian siya ni Gab
"Sabay tayo Break time? May papakita ako sayo." sabi nito. May dala siyang gitara. Tumango si Junella at sinabayan siya sa paglalaka patungong Cafeteria
Magkaharap silang umupo sa isang table. "Do girls like serenades? Naggigitarang lalaki at kumakanta?" biglang tanong nito. Napataas naman ang kilay ni Junella at ngumiti
"Bakit kuya? May pinopormahan ka ba ngayon? Ayii bat di ko alam yan ha!" pangulit ni Junella
"Wehh sagutin mo na lang! Magugustuhan ba ng babae yun?"
"Ako muna ang sagutin mo, Kuya! Sino yan ha? Dali dali secret ka pa eh hahha wishiu" excited na sabi ni Junella. Wala ng nagawa si Gab dahil kilala niya ang pinsan niya
"Fine. Tss si Devine.. 4th Year din siya tulad ko.." sabi ni Gab. Tumango tango si Junella. 3rd Year pa lang kasi siya. Matanda si Gab ng isang taon kaya,
"Nakanuksss naman! Parinig nga ko kuya! Pagnagustuhan ko eh tiyak naman na magugustuhan din niya yan!" excited na sabi ni Junella. Minsan lang kasi niya marinig kumanta ang pinsan niya dahil madalas talaga ito sumayaw.
Nagsimulang kumanta si Gab ng 'Simpleng tulad Mo' ni Daniel Padilla. Maraming atensyon ang nahagip ng pagkanta niya kaya naman halos lahat ay nakatingin sa table nila Junella
Maging si Nicole na kasama si Victoria at Airine. "Just look at that. Her rumored boyfriend is serenading her." taas kilay na sabi ni Nicole
"Gab Tolentino right? Ohmygosh! E diba nililigawan siya ni Louie?" nagroll eyes si Nicole sa tinanong ni Airine.
"She's obviously being a gamer. Huh. Sa public pa talaga sila nagkantahan huh. Well, let's see, Louie's papadating." sambit ni Nicole na nakangisi dahil kita niyang papalapit sa Cafeteria si Louie
"JUNELLA GARCIA!!!"
XxxA/N: Sino kaya tong sumigaw? :O
![](https://img.wattpad.com/cover/31331335-288-k219400.jpg)
BINABASA MO ANG
L and J [Loser and Jerk]
Novela Juvenil[COMPLETED] Si Louie Perez ay kilalang "Jerk" sa Kingston Academy. Lahat ay kinakatakutan siya. Lahat din naman kasi ay pinopormahan niya. Lahat ng babaeng gusto niya nakukuha niya. Maging ang "Queen Bee." ng Kingston na si Nicole Cortez ay naging E...