Chapter 41: Call this a DATE?

84 9 0
                                    

Chapter 41

Just wanna inform you, parati na po 3rd Person's POV ang gagamitin ko. :)

Medyo cliché to pero okay lang hahaha'

3rd Person's POV

"Junells! Saan ka? Sabay tayo gawa homeworkk." sambit ni Corinne sa naglalakad na si Junella. Napaisip si Junella.

"I can't bby. Inaya kasi ako ni Louie eh. Kopya ka na lang sakin tapos na ako hehe" lumiwanag ang mukha ni Corinne. Gawain nilang dalawa magkopyahan. Teamwork!

"Sige. hahaha! Thank you bby. Goodluck sa date niyo! Hahaa" natatawang sabi nito. Umiling na lang si Junella. Papunta pa muna siya sa locker's room ngayon bago siya pumunta sa Garden kung saan siya hinihintay ni louie

"Hmm.. Why does famewhore and losers are everywhere?" rinig ni Junella sa likod niya. Naglolocker na siya.

"Well, ganyan talaga Vic. Lahat gagawin para maging famous. Famewhore right? Oh no. Slut din." Ani ng isa sa kanila

"Hahaha. Whatever. Losers will be losers." Alam ni Junella na si Victoria at si Nicole ang naguusap sa likod niya. Ngunit hindi na lang niya ito pinansin.

Maglalakad na siya palayo ng bigla siyang ipatid ni Nicole. Napaupo siya dahil malakas ang pagkapatid niya. "Oh, sorry dear. Yan kasi. Tingin din sa dinadaanan ah? Wag masyadong tanga." sambit ni Nicole

"Loser na nga, tanga pa." nakangisi at umiiling na sabi ni Victoria. Maya maya ay rinig na ang yapak ng mga takong nila palayo. Tumayo na si Junella at inayos ang sarili. Hindi na lang niya pinansin ang dalawang yun. Inisip niya na mga wala lang magawa sa buhay 'yon.

Nagpasya na lang siya sa Garden kung saan sila talaga magmmeet ni Louie. Nakita niya dun si Louie na nakaupo sa isang bench. May earphones na puti at nakapikit.

"Ang gwapo ni Louie!"

"Tabihan ko na ba? Hihihi"

"Unahan kita gusto mo?"

"Shut up girl, palapit na si junella o"

"Ay. Tss. Loser"

Hindi na lang din pinansin ni Junella 'yon. Umupo muna siya sa bench. Hindi naman siya napansin ni Louie at nakapikit pa din 'yon. Napatingin si Junella kay Louie

Napakagwapo nga naman kasi ng lalaking ito. Mahaba at makurbang pilikmata, matangos na ilong, maputi, at pinkish na labi. 'Sana seryoso ka sakin..' Isip nito. Napapabuntong hininga na lang siya nang nagplay sa isip niya ang sinabi ni Nicole at Shenneri na "Toy" lang daw siya ni Louie. Hindi niya maiwasang malungkot.

"Oh.. Nandito ka na pala. I'm sorry." nagulat si Junella nang biglang dumilat si Louie at tinanggal ang earphones niya. Ngumiti na lang si junella. Ngiting may lungkot sa loob niya

"Let's go?" Tanong nito. Tumango si Junella. At sabay silang pumunta parking lot. Pinagbuksan ni Louie si Junella sa kotse.

Nagsimula na si Louie magdrive. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Junella. Ngumiti lang si Louie. "Anywhere."

"Wag tayo pagabi ha? May duty ako sa Club 7 tonight." sabi nito. Tumango si Louie.

"Ge.bHatid kita okay?" tumango na lang si Junella.

Maya maya, dumating na sila sa destination nila. Ang Hanallis Park.

"A-Ano to?" tanong ni Junella. Napangiti siya dahil namamangha siya sa nakita niya.

"Di ba obvious. Park malamang. Psh." Pambara ni Louie

"Seryoso kasi" ani Junella

" I just wanna bond with you. Para mas makilala pa kita." sabi ni Louie at nagbayad ng fee nila para makapasok sila.

L and J [Loser and Jerk] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon