Chapter 43
Warning: Mahaba. Bow, and Again, inspired po ako sa isang Anime na favorite ko panuorin ^__^
//
Maagang nagising ang lahat sa section nila Louie para sa araw na ito. Dahil na din marami silang ibabake, lukutuin at gagawing pagkain for the booth.
9am ang bukas ng buong school. 5:30 pa lang ng umaga e nandun na sila sa school. Pero si Nicole? Again, anong aasahan niyo dun. Ngayon, ay tulog pa siya having her beauty sleep.
"Wala na naman si nicole. Tsk. 'Yong babaeng yun talaga. Wala na ngang tinulong!" inis pa rin si Xander sa kanya.
"Girls, tayo na ang bahala sa foods and drinks. Boys, iset niyo na yung tables and chairs." Ani Wendy. Nasa Home Economics Room sila. Doon gaganapin ang booth nila dahil may kitchen dun. Para na rin hindi sila mahirapan magluto.
Abalang abala na ang lahat ng classroom. Masasabing nagbigay effort talaga ang mga estudyante. Dahil sa main gate pa lang ng Kingston, may malaking banner na nakalagay
WELCOME TO K I N G S T O N Fair Days!
Maya mayang 9am, bubuksan ang main gate. Kaya naman welcome ang lahat ng studyanteng galing sa ibang schools or mga outsiders. Tradition talaga ito sa school nila.
"Louieee dun ka sa tables and chairss bakit ka nandito?" tanong ni Junella nang sundan siya ni Louie sa kitchen
"Gusto kita tulungan. Bake uli tayo Strawberry cake?" tanong ni Louie.
"Ikaw talaga. Imbis na tulungan mo 'yong mga lalaki dun e nandito ka sa mga babae." natatawang sabi ni Junella habang nireready ang ingredients apra sa stawberry cake
"Okay lang 'yon kaya na nila dun. Tulungan na lang kita psh.." sabi nito. Tumango na lang si Junella dahil wala na siyang magagawa dun.
Yun nga, nagbake na sila. Enjoy na enjoy ni Junella dahil ang bango ng straw berry flavor.
"White na lang pinakacolor. Tapos pink sa may gilid and strawberries" suggest ni louie
"Aye, Sir!" sabi ni Junella at tumawa. Napangiti si Louie. Pinahiran niya si Junella ng icing sa ilong.
"Oops. Haahha!" nagpout si Junella. Ang lagkit ng icing sa ilong niya kaya pinahiran din niya si Louie sa ilong. Natawa na lang silang dalawa
"Hoy. Baking hindi Playing. Wag kayong magaksaya ng icing. Tss." sabi ni Airene. Isa to sa mga kagrupo ni Nicole. Umirap din siya.
Napailing na lang si Junella at Louie. Pinatuloy nila ang paglalagay ng icing sa cake. "Pwedeng tikman?" tanong ni Louie. Umiling si Junella
"Para sa customers yaaan" sabi ni Junella. Ngunit papalapit ng papalapit si Louie para tusukin ang icing nung cake. Kaya naman kahit mahirap, tinulak siya ni Junella
"Dun ka na ngaa! Hahaha wag mong sirainn para sa customers to eh.." kaso pagtulak ni Junella kay Louie, may natamaan silang babae sa likod
"Aw, fxck my nose!" napalingon sila kay Nicole na nakahawak sa ilong niya. Pero nang makita niyang si Louie 'yon, napangiti siya
"Louie! Nood kayo mamaya sa Gym ha? May sayaw kami for the Opening!" sabi ni Nicole na nakapangcheering outfit. Color pink ito na may gray. Long sleeves na fittes tapos nakapalda siyang pink na maiksi. Nakapony tail din ang mahaba at kulot niyang buhok na may pink na ribbon.

BINABASA MO ANG
L and J [Loser and Jerk]
Novela Juvenil[COMPLETED] Si Louie Perez ay kilalang "Jerk" sa Kingston Academy. Lahat ay kinakatakutan siya. Lahat din naman kasi ay pinopormahan niya. Lahat ng babaeng gusto niya nakukuha niya. Maging ang "Queen Bee." ng Kingston na si Nicole Cortez ay naging E...