Chapter 25: Locked inside SCR

107 6 0
                                        

Chapter 25

-Junella's POV-

"Junella! Anak gising na!" sigaw ni mama kaya napatakip naman ako ng unan sa mukha ko

"Juuuunneeeellaaa!!!!!!!!!"

"GISING NA JUNELLA EUNICE!"

"E-eto na po! Gising na" matamlay kong sabi. Kapag ako kasi tinawag ni mama ng First and Second Name ko, warning na iyon na malapit na magfull name at pag nagfull name galit na siya.

Naligo muna ako bago bumaba. Pagkababa ko, bumungad sakin ang mga pagkain. Malamang :))

"Hoy Junella! Bakit ang tagal mo bumaba ah?" tanong sakin ni mama

"Uh.. Naligo po ako eh" sabi ko

"Okay. Kumain ka na" sabi niya at kumain na nga ako. "Titaaa! Goodmorning po!" bungad ni Gab

"Oh! Magandang umaga hijo! Maupo ka! Join us here" sabi ni mama

"Ah hindi po. Tapos na po ako kumain. Sabay na lang po kami ni Junels papunta sa school." Pagpapaliwanag nya

"Ah okey."

"Tapos na ako! Bye ma" sabi ko. Wag na kayo magtaka kung bakit ang onti ko kumain sa umaga. Sadyang ayoko lang talaga kumain "Oh siya sige! Oh baon mo!" sabi ni mama at binigyan ako ng baon.

"Sige na ma! Byee!" sabi ko at hinug sya tapos lumabas na kami ni Gab.

"Bakit ang aga mo?" tanong ko sa kanya.

"Practice tayo. Malapit na Contest." sabi niya

"Ah Okiee (;" sabi ko

Naglakad lang kami papuntang school. Actually may kotse siya pero di niya ginamit kasi daw gusto niya maglakad.
Pagdating namin sa school, pinagtitinginan na naman kami.

Ganto naman parati. Sabay kami pumasok which makes everyone thinks that we're dating. Natatawa na nga lang kami ni Kuya Gab. Si Corinne lang kasi nakakaalam na magpinsan kami.

Hindi kasi halata. Unang una, Tolentino siya, pangalawa, hindi kami magkamukha. Pangatlo, Tolentino nga kasi siya! Nadaanan namin si Nicole na nakataas ang kilay ngayon.

"Still with your boyfriend huh!" Maarte niyang sabi

"Ah Nicole hindi ko siya--" depensa ko kaso nabitin lang sa ere dahil ...

"Hindi ko siya Girlfriend." sabi ni Gab at hinila na ako palayo. Madalas to mangyari. Well, nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko siya nababanggit na taga kingston siya?

Busy kasi siya. So hindi kami masyadong nagkikita. Kaya sa kanya ako nagpatulong, kasi alam kong magaling siya kumanta. Member kasi ng Choir yan.

"Hayaan mo na lang sila Junels." bulong niya sakin.

"Okay." sabi ko. Infact naiinis ako sa kanila, lahat ng umaapi sakin kasama na si Jerk. Sa ginawa ba naman nya kahapon diba? Sakit kaya ng pwet ko nun!

"Tara na." sabi niya at pumunta naman kami sa Music Room. Kami lang ang tao dito which is great para walang makarinig ng panget kong boses except kay Kuya Gab.

"Okay Start na tayo. Dala mo lyrics?"tanong niya.  "Oo." sagot ko at pinakita ang papel sa kanya

"Okay teka" sabi niya at niready mga kailangan. Maya maya nagsimula na akong kumanta.

***

Pagkatapos ng practice namin, nagklase na kami and first subject is Math. (Hatest!)

"Okay, Off topic muna tayo." sabi ng prof namin. "We all know that the Talent Contest is coming this Saturday? And We know that you guys are aware of that right?" tanong ng prof namin

L and J [Loser and Jerk] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon